top of page
Search
  • BULGAR

Anak, join sa entourage… EMPRESS, IKINASAL NA!

Julie Bonifacio - @Winner | March 8, 2021





Ikinasal na si Empress Schuck sa kanyang fiancè na si Vicente "Vino" Guingona sa pamamagitan ng magarbong garden wedding sa Tagaytay last Saturday.


Napanood namin ang ilang kaganapan sa vlog ng kasama sa entourage ng wedding nina Vino at Empress na ginanap sa Hill Creek Gardens.


Makikita si Empress habang mine-makeup-an sa loob ng kuwarto kasama ang kanyang bridesmaid kung saan ang isa sa kanila ay ang kaibigan at dating kasama rin niyang artista sa ABS-CBN na si Melissa Ricks.


Ang five-year-old unica hija nina Vino at Empress na si Thalia ay naging bahagi rin ng wedding entourage as the 'little bride.'


Isang pastor mula sa Praise Commission Fellowship ang nag-officiate ng Christian wedding ceremony nina Vino at Empress.


"Thank you for inspiring me to be the best person I can be. To be the best version of myself. Thank you for accepting me for who I am. I am honored because you are humble and down-to-earth," bahagi ng wedding vow na sinambit ni Vino kay Empress.


On a separate vlog, ipinakita ang ginawang swab test ni Empress at ng mga kasama sa wedding before the grand event.


Days before ng kanilang kasal ay may kani-kanyang magkakasunod na IG posts ang newlyweds giving hint para sa nalalapit nilang wedding.


Naka-post sa IG ni Empress ang mga larawan at ang video sa prenup nila ni Vino na kinunan sa Fortune Island sa Batangas.


Isang araw bago ang kasal ay ipinost din ni Empress sa kanyang IG ang video kung saan paikot na magkakahawak-kamay sila ni Vino at ng ilang kapamilya nila habang nananalangin.


Caption ni Empress sa IG post niya: "We lift it all up to You now Our Lord Jesus Christ... Praying over@hillcreekgradens_tagaytay our Ceremony Venue with my new family before our wedding tomorrow..."


Congrats!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page