top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Anak, ipina-Tulfo dahil sa pera… AZENITH, DINUKOT NG 4 NA LALAKI, 1 WEEK NANG NAWAWALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 19, 2023



Dinukot ang dating aktres na si Azenith Briones sa kanyang bahay. Ilang araw nang hinahanap ng kanyang mga kaibigan si Azenith pero hanggang ngayon ay ‘di pa siya nakikita.


Sa Facebook page ni Isabel Rivas ay nanawagan siya sa publiko para sa nawawala niyang kaibigan na si Azenith Briones.


Nagsimula raw mag-alala si Isabel nu’ng nakita niya ang post sa Facebook ng may account name na Paul Macasiano.


Ayon kay Isabel, “I have talked to the proper authorities & we, her friends, will do everything we can to get her out where they are keeping her. She is not an addict, not alcoholic, not addicted to gambling & definitely not mentally challenged nor crazy as others claim.


“She is in her best state at 67 years young, but yes, she’s going thru heartbreak’s bcuz of family issues. May God protect her wherever they are hiding her, give her strength & hope.


“May our authorities help Azenith Briones in her time of need. This is one of her lowest times after her husband died trapped in a casino years ago.


“No mother deserves to be treated like this. I plead to her family to pls. help us find or just see her as we all know how devastated she must be at this time.”


Humiling din ng panalangin si Isabel para kay Azenith at ipinaalam na pati ang Facebook page ng kanyang kaibigan ay nabura na rin.


Si Azenith ay paboritong leading lady ng mga sikat na action stars dati gaya nina Fernando Poe, Jr. (SLN), Lito Lapid at Rudy Fernandez (SLN).


Nabalitaan daw nu’ng Paul Macasiano na pinasok ang bahay ni Azenith at saka dinukot ng apat na kalalakihan bandang alas-diyes ng gabi.


Wala pa raw nakaalam kung ano ang nangyari kay Azenith for almost a week now.


Last month daw ay humingi ng bodyguard si Azentih sa kanya, pero pinagbakasyon ang mga security nang isang linggo noong magpunta si Azenith sa Davao.


Halatang sinabayan daw ng mga dumukot kay Azenith ang pagbabakasyon ng mga bodyguards niya.


Bago ang pagkawala ni Azenith, ini-report pala niya ang kanyang anak sa show ni Raffy Tulfo.


Nadiskubre kasi ni Azenith na nag-withdraw ng P4M ang anak niya nang ‘di niya alam.


Nagalit si Azenith at agad na ipinasara ang kanyang bank account. Doon na raw nagsimula ang pagbabanta sa buhay ni Azenith at pinipilit pa raw siya ng anak na ibigay na ang mana nito kahit buhay pa si Azenith.


Narinig pa raw ng driver ni Azenith na sumisigaw at humihingi ito ng tulong.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page