top of page

Anak, ‘di raw pinakikialaman… JANICE, WALANG ALAM SA KASALANG KAILA-DANIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 26, 2026



TALKIES - JANICE, WALANG ALAM SA KASALANG KAILA-DANIEL-IG _super_janice & FB Circulating

Photo: IG @super_janice & FB Circulating



Bonggang kuwentuhan ang naging ganap sa YouTube (YT) vlog na Unplugged ng broadcast journalist na si Julius Babao nang mag-guest ang aktres na si Janice de Belen.


Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa relasyon ng anak ni Janice na si Kaila Estrada sa aktor na si Daniel Padilla.


Tanong ni Julius, “Pag-usapan naman natin si Kaila. Pabor ka ru’n sa relationship n’ya ngayon?”


Saad ni Janice, “Wala naman akong magagawa sa relationship ng kahit na sino sa mga anak ko.


"Unang-una, nu’ng bata ako, marami rin namang ‘di pabor ang mga magulang ko. Pero you have to allow them to make their own mistakes.


“It doesn’t mean that I am not in favor of anybody. It’s just that nanay ka, eh. Ang wino-worry mo lang, ang tangi mong worry lagi is ‘wag masaktan ang mga anak mo.


“And I remember each time I would be in a relationship, my mom would always be worried na masasaktan ako. And I would write her letters telling her to trust me. To trust me na kakayanin ko ‘to. Na kung madapa man ako, babangon ako.


“Nagawa ko naman. So, iniisip ko, I need to trust my children also. That they can handle this. Kaya nila ‘yan, eh. ‘Di mo puwedeng i-avoid kasi kung ikaw nga na-experience mo, tumibay ka naman, tumapang ka naman, saan nila kukunin ‘yung lakas na ganu’n or resilience na ganu’n kung lagi mo silang aawatin kasi baka masaktan sila.


“Paalalahanan mo lang palagi. ‘You have your decisions. You are all adults.’ The children are all adults. ‘I trust that you can handle it. I trust that you’ll know what to do. Just always take care, guard your heart.’ ‘Yun lang naman ang sinasabi ko.”


Dagdag na tanong ni Julius, “Ipinakilala n’ya na ba sa ‘yo si Daniel?”

Saad ni Janice, “Lahat naman sila, nakilala ko na.”

Tanong ni Julius, “Nagpunta na ba s’ya rito?”


Saad ni Janice, “Nakikita n’yo naman sa mga pictures. Lumalabas naman ‘yung pictures nila. I will always welcome all of them.


“I will have to trust them, love them, get along with them. Kasi malay ko ba, baka mamaya sila na nga talaga ‘yung mag-aalaga sa anak ko.”


Tanong ni Julius, “And speaking of paalala, ano’ng paalala mo lagi kay Kaila?”

Saad ni Janice, “Ang paalala ko kay Kaila when it comes to love, she’s 30 years old. Ano ba’ng sasabihin ko sa kanya? Basta guard your heart.”


Sa panayam ay tinanong din ni Julius kung may kasalan na bang magaganap at kung napag-usapan na ba nila ito.


Hirit na tanong ni Julius, “Ano na ba ‘to, malapit na ba (kasal)?”

Saad ni Janice na may kasamang magandang ngiti, “‘Di ko alam.”


Dagdag na tanong ni Julius, “Malapit na ba?”


Saad ni Janice, “‘Di ko alam kasi si Kaila, she’s very goal-oriented. She’s very career-oriented.

"Alam mo, nu’ng nag-audition pa lang s’ya, ‘di ko alam. Wala akong kinalaman dito. I did not lift a hand to help her. She did this on her own. Sinabi na lang n’ya sa akin na magso-showbiz s’ya.”


Tanong ni Julius, “Is she the type na gusto mag-asawa?”


Saad ni Janice, “Napag-uusapan namin ‘yan. You know, I’m very democratic with my children. I don’t force things on them. ‘Di ko pinipilit ang mga bagay-bagay sa kanila. Unang-una, times are changing. Different things are happening. People are evolving, situations are evolving. I have never told my children that getting married is a requirement.


“So sa kanila, if you choose to get married or not choose to get married, it’s fine.”

Well, korek ka r’yan, Janice de Belen, sila ang dapat magdesisyon pagdating sa pag-aasawa.


‘Di ba naman, madlang people?





Unang anak nila ni Stephan…

KIRAY, BUNTIS NA!



BUNTIS na ang komedyanang si Kiray Celis sa unang anak nila ng asawang si Stephan Estopia.


Sa social media post ni Kiray noong April 24, 2026 ay nagbahagi siya ng video clip kung saan makikita na nasa loob siya ng banyo at nakatitig sa pregnancy test kit.


Habang umiiyak ay tinawag niya ang kanyang loving husband na si Stephan at ipinakita ang resulta na positive.


Saad ni Kiray sa post niya, “Ikaw ang pinakamatamis na sagot sa lahat ng panalangin namin.”


Ibinahagi ng kanyang asawang si Stephan Estopia ang kanyang pananabik sa isang hiwalay na post na nagtatampok ng sonogram.


Saad ni Stephan, “Ang pinakamasayang balita sa buhay namin. @kiraycelis.”

Isang malaking congratulations, Kiray at Stephan!

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page