RICHARD, NASAPAWAN DAW SI DANIEL, OUT SA INCOGNITO 2
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 20, 2026

Photo: IG _jinkeepacquiao
May bali-balitang hindi na raw kasama si Richard Gutierrez sa Incognito 2 (I2), kaya may mga fans na nagrereklamo dahil nasasapawan na raw niya si Daniel Padilla.
Maging ang mommy ni DJ na si Karla Estrada ay napansin umano na mas maraming exposure si Richard at madalas ay dito nakatutok ang kamera, hindi kay Daniel. Kaya ipinarating umano ito ni Karla sa production staff ng Incognito.
Well, hindi naman daw insecure si Daniel kay Richard, pero sa pagkakaalam ng kampo ng aktor, siya ang lead role at hindi pantay ang level ng karakter nila ni Richard.
Kaya naman, deserve ni Daniel na magtanong at mag-demand tungkol sa kanyang status sa serye.
Magaling din namang aktor si Richard at marami siyang fans na sumusuporta sa kanya, kaya tiyak na magtataka ang mga ito kung tuluyan siyang mawawala sa I2.
LUCKY HOUSE NI VICE GANDA, FOR SALE NG P35M
TIYAK na susuwertehin ang sinumang makakabili sa bahay ni Vice Ganda (VG) na may tatlong palapag.
Napakaganda ng design nito, sosyal na sosyal at pangmayaman ang porma.
Ayon kay Vice Ganda, ‘lucky house’ ito at isa sa mga unang naipundar niya mula sa kanyang kinikita sa showbiz.
Naging stand-up comedian muna si VG bago naging host ng TV show at nagkaroon ng mga pelikula.
Safe at accessible ang bahay na nasa Proj. 6, Quezon City (QC) at bagay na bagay sa isang artistang tulad niya.
Pero dahil mas nadagdagan na nga ang yaman niya, kailangan na rin niyang lumipat sa mas malaki, mas safe at private na tirahan.
Isang caretaker na lang ang nagbabantay at nag-aalaga sa dating bahay ni Vice Ganda.
Sa galing magpatawa, may ‘K’...
CHARIZ, NEXT AI AI, UGE AT RUFA MAE
DAHIL sa kanyang talent sa pagkokomedya, marami ang nagsasabing posibleng sumunod ang Kapuso actress na si Chariz Solomon sa yapak nina Eugene Domingo, Ai Ai delas Alas at Rufa Mae Quinto.
Bihasang-bihasa na si Chariz sa pagpapatawa dahil matagal siyang naging bahagi ng gag show na Bubble Gang (BG). Kasama rin siya sa sitcom na Pepito Manaloto (PM), na 15 years nang umeere. Ngayon, kasama niya si Buboy Villar sa pagho-host ng talk show na Your Honor (YH).
Natural na natural ang atake ni Chariz sa pagiging komedyante. Sa bawat project na natatanggap niya, mas pinagbubuti rin niya ang kanyang pag-arte habang nananatiling humble. Thankful siya sa GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan at pagbibigay sa kanya ng regular shows.
Samantala, makulay ang love life ni Chariz. Hindi niya itinatago sa publiko na hiwalay na siya sa tatay ng kanyang mga anak pero muli siyang umibig at nag-propose na sa kanya ang kanyang non-showbiz partner na si Vince Teotico.
Wala pa silang wedding plans dahil pareho silang abala sa kani-kanilang career.





Comments