Anak, ayaw tantanan ng mga bashers… KRIS, DIRETSAHAN NANG TINANONG SI BIMBY KUNG BADING
Julie Bonifacio - @Winner | April 23, 2021

Early in the evening kahapon in-upload ni Kris Aquino ang bago niyang video with his son Bimby Yap sa kanyang Facebook account.
Napakahaba ng disclaimer, este, paliwanag ni Kris sa latest video nila ni Bimby sa caption ng kanyang FB post kagabi.
“It’s his turn... He asked, I answered... What can I say? I said LAHAT sasagutin, kaya walang inurungan... My 14-year-old knows me inside out... In my birthday card to him I said - he has already given me way too much LOVE, SUPPORT, TRUST, and UNDERSTANDING. Kaya ngayon, it’s time for him to experience “regular” and “normal” to the best that I can give him... Tomorrow he answers my questions, I am so PROUD, mas matalino, mas matatag, mas malawak ang pang-unawa ng bunso ko kumpara sa mama niya when I was his age, and even now in many ways, he really is the BETTER me!”
Sa umpisa ng tsikahan ng mag-ina sa video, sinabi ni Kris na maaaring ‘yun na ang ‘last hurrah’ na mapapanood si Bimby sa socmed.
Unang tanong ni Bimby kay Kris ay ang tungkol sa ama niya na si James Yap.
“What made you think when you married my dad?”
“Honestly, I just took the job. Leap of faith,” tugon ni Kris.
May hang-ups na raw kasi si Kris dahil sa two past relationships niya before James na puro may sabit. Ang tinutukoy niya ay sina Phillip Salvador at Joey Marquez.
Naikumpara ni Kris ang edad niya kay James sa edad ng nauna niyang karelasyon na si Joey. Eleven years older daw sa kanya si Joey and 11 years younger naman sa kanya si James.
Pinuri ni Kris si James for revealing something to her na 'di na niya kailangang unang mabasa sa mga tabloids.
“So, he had balls,” diin ni Bimby.
“In fairness at that time, yes,” sabi ni Kris.
Hirit ulit ni Bimby, “At that time.”
Ayaw nang magsalita ni Kris ng anything against James. Instead, grateful na lang siya kay James for having Bimby in her life.
“I’ve learned to look at a glass as of being half-full. But because of you, it’s not just half-full, the glass is overflowing.”
Ilan sa mga pinag-usapan ng mag-ina ay ang tungkol kay former Kyusi Mayor Herbert Bautista.
Nu’ng simula ay ‘di pa mabanggit ni Bimby ang name ni Herbert at iminuwestra lang niya sa mga daliri ang letrang H.
Sinabi na tuloy sa kanya ni Kris that "he can name him.”
“Uh, it’s Mr. Mayor,” kinikilig na sambit ni Bimby.
Second that motion ni Kris, “Yeah, the Mayor. Okay.”
Tanong ni Bimby kay Kris, “Were you content with him? Like…were you like, he is sufficient?”
“No, uh, can we say his name? Herbert…Herbert Bautista, okay. Can I threw back the question with you first?”
Nagustuhan daw ni Kris kay Mayor Bistek ang pagkakaroon nito ng komunikasyon kay Bimby.
“And he knew his boundaries, yeah,” sambit ni Bimby.
Inamin ni Kris na na-miss niya ang pagiging magkaibigan nila ni Mayor Bistek. But at the same time, they can’t be friends.
“We had good memories. At kung ‘yun lang ang bitbit ko, at least, meron.”
Naging part daw ng buhay ni Kris si Mayor Bistek half of Bimby’s existence.
“It was intellectual ending, not an emotional one. Nagkaintindihan kami.”
Also, ini-reveal din ni Kris kay Bimby kung sino ang kanyang first serious crush talaga at kasama sa dating basketball team ni James.
Naaliw kami sa sagot ni Bimby.
“I don’t know basketball, Mama,” with matching iling pa ni Bimby.
Siyempre, sino pa ba kundi si Alvin Patrimonio.
Later on, sinabi ni Kris na si No. 16. So, 'yun na!
Payag daw si Bimby na mag-asawa ang kanyang ina except sa tatlong bagay — no stealing ng pera ng mom niya, no hitting, no shouting.
“I’ll stab him on the neck,” banta ni Bimby.
Ang iba pang sagot sa tanong na lumabas sa teaser video ng mag-ina ay lalabas ngayong Friday.
Ilan sa mga nakalagay sa teaser ay ang diretsahang tanong ni Kris kay Bimby regarding his gender.
“How do you feel when you read those comments that you’re gay?”
Sagot ni Bimby sa ina, “'Coz I know what I am.”
Sundot na tanong pa ni Kris sa anak, “Are you sure?”
Diin ni Bimby, “I’ll set the record straight.”
Tuwang-tuwa naman si Kris sa sinabi ni Bimby na field na papasukin niya in the future. Ang choices are being a doctor, lawyer, politician and businessman.
Anuman ang napili ni Bimby among them, na-feeling proud si Kris sa anak.
“Really? That was the best thing I have heard in my life,” masayang pahayag ni Kris.
Tinanong din ni Kris si Bimby kung ano ang kanyang ideal girl.
Malaking “no” naman ang isinagot ni Bimby sa sinabi ni Kris kung kasingputi rin ba niya ang pipiliing girlfriend ng bunsong anak.
At ang last question ni Kris kay Bimby ay kung may resentment ba ang anak niya na lumaki na wala sa tabi ang amang si James.
“Have you forgiven your dad?” madamdaming tanong ni Kris kay Bimby.
Paglilinaw pa ni Kris, "Can we just clarify this because a lot of people think that I have prevented you from making contact with him.”
So, there. Abangan na lang 'yan lahat today sa kanyang FB page!





Comments