Anak-anakan ni Kuya Germs… SANYA, NAPAIYAK NA MAY STAR SA WALK OF FAME-PHILS.
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 9, 2024

Hindi mapigilan ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang maiyak at maging emosyonal nang bigyan siya ng star sa ginanap na 18th Walk of Fame-Philippines 2024.
Naalala ni Sanya ang yumaong si Kuya Germs (German Moreno) na siyang tumulong sa kanyang career noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Madalas siyang igine-guest ni Kuya Germs sa programa nitong Walang Tulugan with the Master Showman. Sila ng kapatid niyang si Jak Roberto ang tinulungan ni Kuya Germs upang magkaroon ng showbiz career. Para na nilang tatay ang yumaong Master Showman.
Kaya nagpapasalamat din si Sanya sa pamunuan ng GMA Network dahil kahit wala na si Kuya Germs ay inalagaan pa rin siya at binigyan ng malalaking projects tulad ng Encantadia, First Yaya at First Lady.
Sa ngayon, successful na siya at hinding-hindi malilimutan ng aktres ang utang na loob niya sa kanyang tatay-tatayan. Sure 'yan na lagi niyang tatandaan ang mga payo sa kanya na maging professional sa trabaho, manatiling humble at makisamang mabuti sa kapwa artista sa showbiz.





Comments