top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aminadong bobo sa pag-ibig… SACHZNA, WALANG BALAK SINGILIN ANG P50M UTANG SA BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 9, 2026



FRANKLY - SACHZNA, WALANG BALAK SINGILIN ANG P50M UTANG SA BF-IG _sachzna

Photo: IG _sachzna



Aminado si Sachzna Laparan na hindi pa siya okay ngayon matapos ang breakup nila ng ex-boyfriend na si Mark Pascual two weeks ago.


“‘Di ko masabi na sobrang okay ako but I’m trying,” aniya nang makapanayam namin siya last Tuesday (July 7) sa contract signing niya bilang first celebrity endorser ng PNGB (Precious Nick Asher Gold Buyer), founded by Sherill and Reynaldo Villanueva.


“Hopefully, maging okay na okay na talaga ako kasi grabe naman ‘yung mga lesson na naranasan ko rin at ‘di s’ya biro. ‘Di s’ya ‘yung pang-normal na tao na breakup lang.

“Kumbaga, malaki ang nawala sa akin, naubos ako. Hanggang ngayon naman, ‘yung mga nawala sa akin, pinagtatrabahuhan ko pa rin naman,” pahayag niya.


Matatandaang ini-reveal last Saturday ng sikat na influencer na nakipag-break na siya sa boyfriend of 3 years at kabilang sa ibinunyag niya na inutangan siya nito ng P50 million na wala na raw siyang balak singilin.


Sa panayam namin kay Sachzna ay naitanong namin sa kanya kung saan dinala ng ex niya ang P50M at bakit umabot sa ganoon kalaking halaga.


Aniya, in-invest daw ng dating BF ang pera sa cryptocurrency at hindi naman daw niya buong ibinigay ang P50M. At first ay P40M lang daw at pagkatapos ay nasundan ng P10M.


Noong una ay kumikita naman daw talaga sila sa nasabing investment, pero bandang huli ay hindi na raw natutupad ang ipinangakong kikitain.


Ang masakit pa ay marami pa raw pinagkautangan ang dating BF at siya rin ang nagbabayad ng mga ito noon.


Aniya ay minahal niya talaga si Mark kaya naman, hangga’t sa abot ng makakaya niya ay tinulungan niya ito.


Hanggang sa nagising na lang siya na wala nang pupuntahan ang kanilang relasyon dahil paulit-ulit na lang daw ang kasalanan nito.


Aminado naman siyang bobo talaga siya pagdating sa pag-ibig at kapag nagmahal siya ay todo-bigay talaga. Pero moral lesson na raw ito sa kanya at next time ay magiging wise na raw siya.


Samantala, matagal nang kliyente si Sachzna ng PNGB at marami na siyang nabiling alahas sa kumpanya.


Pinakamahal na nabili raw niya rito ay isang necklace worth P3.7 million.

Ayon sa CEO na si Sherill, perfect daw si Sachzna na maging mukha ng kanilang kumpanya dahil sa taglay nitong beauty, elegance, and popularity.


“Sachzna represents the modern generation and carries sophistication, which perfectly reflects what PNGB stands for,” sey ni Ms. Sherill.


Grateful and thankful naman si Sachzna na maging bahagi ng PNGB family.

“Sobrang suwerte ko naman dahil sila ‘yung pinakamalaking jewelry store in the Philippines,” aniya.


Nagpapasalamat din siya sa iba pang endorsements na patuloy na dumarating sa kanya, na isa sa mga dahilan kung bakit siya nakabangon sa malaking halagang nakuha sa kanya ng ex. Bukod pa rito ay may iba’t ibang negosyo na rin siyang naipundar.





INILABAS na ng ABS-CBN ang official trailer ng inaabangang primetime series nina Kathryn Bernardo at James Reid kasama si Maja Salvador na Someone, Someday (SS) nitong Miyerkules (Hulyo 8).


Ipinakita sa trailer ang kuwento ni Billy (Kathryn), isang babaeng nagpupursige para sa kanyang pamilya bilang boss ng sarili niyang kumpanya at may matinding malasakit din para sa ikabubuti ng mga kababaihan.


Sa kabila ng kanyang pagiging CEO ng dating app na Love List, mas importante para kay Billy na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pinakamamahal na pamilya, lalung-lalo na ang kapatid niyang si Oliver (Migs Casimiro) na mag-isa niyang pinalaki.


Sa pagharap niya sa mga pagsubok sa buhay, mas magiging close si Billy sa best friend niyang si Jordan (James), lalo na nang pumasok sa buhay niya si Abby (Maja), isang misteryosong babae na tila may kahina-hinalang motibo.


Super-excited na ang mga fans sa airing ng series na magsisimula sa Hulyo 27, 8:45 PM, sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook (FB) at YouTube (YT). Una itong mapapanood sa Netflix sa Hulyo 24 at sa iWant sa Hulyo 25, at magiging available rin ito sa TFC.


Ang Someone, Someday ay mula sa direksyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu at pinagbibidahan din nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, at Daniela Stranner.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page