top of page
Search
  • BULGAR

ALYSSA, MAS PINILI ANG SERYE NG KATHNIEL KESA MAG-JOIN SA BEAUTY CONTEST

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 14, 2022



Mas pinili ni Alyssa Muhlach na tanggapin ang offer para makasama sa TV series na 2 Good 2 Be True kaysa ang nauna nitong planong pagsali sana sa beauty pageant ngayong taon.


Hindi naman isinasantabi ng baguhang star ang beauty pageants journey nito dahil makakapaghintay daw ang pagkakataong gaya nito kesa sa inaabangang teleserye ng bayan na mapapanood na starting May 16.


Sa isang panayam kay Alyssa, aniya, "I was actually thinking of joining another pageant this year, pero sabi ko, next time na ang korona."


Naging title holder na rin si Ayssa dahil siya ang nanalong Ms. Hispano-America Philippines sa isinagawang beauty contest sa Miss World Philippines 2018. Kaya naman desidido sana siyang ipagpatuloy ang pagiging beauty queen this year if not for 2 Good 2 Be True offer.


Aniya, hindi naman niya pinagsisisihan ang pagkakasama sa series over her pageant dreams dahil masayang-masaya siya na natupad din ang pinangarap niyang makasama sa isang project ang hinahangaang tambalang KathNiel.


"Lahat kami, we can say that we are so honored to work with KathNiel, kasi magkaka-age kami, kaya literal na when I come home from the school, sila talaga 'yung pinapanood namin sa TV, sa serye," kuwento pa ni Alyssa.


Aniya pa, "Naalala ko, ikinuwento ko kay Kath, I was actually thinking of joining another pageant this year (2022), pero sabi ko, next time na lang, KathNiel muna," masaya nitong pahayag.


Kahit kontrabida ang kanyang role sa 2G2BT, nasabi niyang hindi ganu'n kabagsik ang kanyang pagiging kontra sa tambalang KathNiel sa serye.


Paliwanag niya, "Hindi naman malala 'yung pagiging kontrabida. Malalaman na lang nila sa story kung saan nanggagaling ang karakter ko," sey pa niya.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page