top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 14, 2022



Mas pinili ni Alyssa Muhlach na tanggapin ang offer para makasama sa TV series na 2 Good 2 Be True kaysa ang nauna nitong planong pagsali sana sa beauty pageant ngayong taon.


Hindi naman isinasantabi ng baguhang star ang beauty pageants journey nito dahil makakapaghintay daw ang pagkakataong gaya nito kesa sa inaabangang teleserye ng bayan na mapapanood na starting May 16.


Sa isang panayam kay Alyssa, aniya, "I was actually thinking of joining another pageant this year, pero sabi ko, next time na ang korona."


Naging title holder na rin si Ayssa dahil siya ang nanalong Ms. Hispano-America Philippines sa isinagawang beauty contest sa Miss World Philippines 2018. Kaya naman desidido sana siyang ipagpatuloy ang pagiging beauty queen this year if not for 2 Good 2 Be True offer.


Aniya, hindi naman niya pinagsisisihan ang pagkakasama sa series over her pageant dreams dahil masayang-masaya siya na natupad din ang pinangarap niyang makasama sa isang project ang hinahangaang tambalang KathNiel.


"Lahat kami, we can say that we are so honored to work with KathNiel, kasi magkaka-age kami, kaya literal na when I come home from the school, sila talaga 'yung pinapanood namin sa TV, sa serye," kuwento pa ni Alyssa.


Aniya pa, "Naalala ko, ikinuwento ko kay Kath, I was actually thinking of joining another pageant this year (2022), pero sabi ko, next time na lang, KathNiel muna," masaya nitong pahayag.


Kahit kontrabida ang kanyang role sa 2G2BT, nasabi niyang hindi ganu'n kabagsik ang kanyang pagiging kontra sa tambalang KathNiel sa serye.


Paliwanag niya, "Hindi naman malala 'yung pagiging kontrabida. Malalaman na lang nila sa story kung saan nanggagaling ang karakter ko," sey pa niya.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 7, 2022



Naging lantaran na ang suporta ng Kapamilya actress na si Jodi Santamaria kina VP Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan at Chel Diokno na pare-parehong Kakampink at kumakandidatong pangulo, bise-presidente at senador sa Halalan 2022 sa Lunes, May 9.


Kung matatandaan, kamakailan lang ay may naging pahayag si Iwa Moto, live-in partner ni Pampi Lacson na anak ng presidentiable na si Panfilo "Ping" Lacson, na sana nga raw ay hindi na lang naging vocal si Jodi sa pagsuporta sa Kakampink bilang respeto sa 'ex-biyenan' nito.


Sa latest na pahayag ni Jodi, mukhang mabibigyang-linaw na si Iwa kung bakit mas pinili ng aktres na suportahan si VP Leni kesa sa former biyenan.


Sabi ng bida sa The Broken Marriage Vow, "This is what I stand for and many have known me to be... you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for.


"That's also the reason why I went out there to show people kung sino 'yung mga tao sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there's hope in pink.


"Kung ito ang magiging contribution ko, then I'm very much willing na suongin 'yung init, 'yung pagod, itong mga bagay na ginawa para sa Pilipinas," pahayag ni Jodi habang sinusuyod ang Brgy. Tumana, Marikina para sa house-to-house campaign kasama ang ilang Kakampink.


Giit ni Jodi, ang importante sa kanya ay kuwalipikasyon ng isang tumatakbong kandidato.


"Ako kasi, naniniwala ako na you are who you vote for and sila 'yung mga tao na nagre-resonate doon sa mga core values na napakaimportante sa akin bilang tao.


"Importante sa akin ang pagiging matapat. Importante sa akin ang pagiging hardworking. Importante sa akin ang transparency and accountability and sa kanila (Leni-Kiko) ko nakikita iyong mga katangian na pinapahalagahan ko sa aking buhay. Kaya sila dapat," pagdidiin pa ni Jodi.


"Nakakatuwa, kasi napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa Barangay Tumana. I would say na hindi naman sila naging suplado or hindi kami napansin, pero they're very open. They are very open to listen to what we have to say," pagtatapos ng aktres.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 4, 2022



Ibinalandra ng It's Showtime co-host na si Anne Curtis ang kanyang toned figure at abs sa isa nilang getaway kasama ang asawa't anak (Erwan Heussaff at Baby Dahlia Amelie) at mga kaibigan sa isang resort.


Maraming nag-comment ng “Sana all" sa kanyang latest bikini snaps.


Sa larawang naka-post, makikita ang TV host-actress clad in a green two-piece swimsuit.


Trending agad ang mga larawan ng aktres and already earned thousands of "likes" and hundreds of comments within an hour after they were uploaded on her social media pages.


Ilan sa mga celebrities na nag-react sa mga larawan sa Instagram ay sina Angel Locsin, Raymond Gutierrez and Bea Soriano Dee na nag-iwan din ng kanilang comments, praising Anne's figure using a series of flaming fire emojis.


Mariel Rodriguez, likewise, complimented the actress by describing her as "mom body goals."


Bago sumabak sa ilang Viva projects ang actress-host, magkakaroon muna ito ng live concert titled Luv-Anne! sa susunod na buwan, June 11 sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page