All the way na serbisyo para sa mga kapatid na Waray-Waray
- BULGAR
- Jun 27
- 1 min read
ni Imee Marcos @Imeesolusyon | June 27, 2025

Mga beshie, ‘wag tayong masyadong atat sa pagko-compute ng ambag, ha? Bago niyo itanong kung anong naitulong ni Manang Imee sa Leyte at sa buong Region 8, ask niyo muna ang mga self ninyo, “Ako ba, may ambag miski sa barangay?” Char!
Ano raw ang konek ko sa Leyte at pinupuna ko ang San Juanico Bridge? Aba, hindi man ako araw-araw naroon, eh, buhay na buhay naman ang pagiging Waray ko! Leyte ang tahanan ng aking ina, the forever First Lady, Mommy Meldy! Kaya kahit hindi ako lumaki roon, solid Waray ito mga teh!
Hindi ko talaga bet ‘yang pahabaan ng lista ng mga nagawa sa Region 8 o saan mang lugar sa ‘Pinas. Sa ‘kin kasi, kung tutulong ka, gawin mo na lang — wala ng drama-drama! Help na agad hindi lang puro pang-kodak moment at forda likes!
At para malinaw: HINDI PO AKO KONGRESISTA NG LEYTE. Wala akong sariling pondo riyan. Pero kahit pa ganu’n, hindi ko nalilimutang mag-abot ng tulong para sa mga Waray.
May mga naipadalang educational, medical assistance pati mga proyektong ospital, kalsada, tulay -- saan ka pa?
Kaya mga besh, push na push lang tayo sa pagtutulay ng serbisyo na dahilan ng aking amang si Apo Lakay sa pagtatayo ng San Juanico Bridge -- serbisyong ramdam ng mga tao.
Kaya sa mga nagtatanong, huwag kayong mag-alala. Hindi ako taga-Leyte, pero andito ako — kasama nila hindi lang sa salita, kundi sa aktuwal na gawa.
Mabuhi an Leyte! Mabuhi an Region 8!
Comments