All-out sa pagho-host ng show… MATTEO, MAS BUSY DAW SA CAREER, SARAH, TINALBUGAN
- BULGAR
- 3 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 14, 2026

Photo: Matteo Guidicelli - FB
Deleted na sa Instagram (IG) ni Matteo Guidicelli ang comment ng isang fan ni Sarah Geronimo na mas priority niya ang kanyang career kesa sa career ng asawa.
Parang ang ipinupunto ng fan, mas active ang career ni Matteo kumpara sa career ni Sarah.
Ang ganda ng sagot ni Matteo. Kaya lang, nang itsek uli namin ang comment ng fan, hindi na namin nakita. Baka binura ni Matteo dahil nakakasira naman talaga sa happy and positive vibes ng mga comments na may kinalaman sa pilot episode ng talk show niyang Matteo G Primetime.
Nagpaliwanag si Matteo sa fan na hopefully, tinanggap ng huli. Saka, magkaiba ang talent management nina Matteo at Sarah and to my knowledge, very much active pa si Sarah sa kanyang career. Hindi pinababayaan ng Viva Artists Management si Sarah at desisyon na lang yata nito na mag-concentrate sa singing at magpahinga muna sa acting.
Anyway, maganda ang review kay Matteo bilang host at maging sa kanyang show. Pati nga ang guesting ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na guest sa pilot episode ng show ay aprub sa mga viewers.
Mga comments na, “Great pilot episode,” “Great job and congratulations,” “Loved the pilot episode, though it’s kind of bitin. Hope you can release the full interview please (director’s cut). Kudos to the whole team for a very well-executed show. More power,” at “This kind of platform suits your voice, clear, steady, and easy to connect with,” ang ilan sa mga mababasa.
Sa mga susunod na episodes ng kanyang show, na-interview ni Matteo sina Piolo Pascual, Joshua Garcia at Julia Barretto.
Ang maganda nito, lahat ay puwedeng mag-guest sa Matteo G Primetime. Ang daming requests ng mga fans sa kung sino ang gusto nilang i-guest ni Matteo sa show. But of course, ang hinihintay ng marami ay ang guesting ni Sarah. Ang ganda siguro kapag nangyari ito.
Every Saturday, 7 PM. ang airing ng talk show ni Matteo sa Bilyonaryo News Channel. Sana ay masagot ni Matteo ang tsika na hindi lang siya talent ng BNC, mataas daw ang posisyon niya dahil siya ang CEO (Chief Executive Officer) nito.
SPOTTED sa Hong Kong during the weekend si Alden Richards at dumayo ito sa Mongkok at doon pinagkaguluhan ng mga kababayan natin.
Siguro naman, hindi lang nag-shopping sa HK ang aktor, pero ano kaya ang ginawa nito sa Crown Colony?
Tama ba ang sinabi ng mga fans na may kinalaman sa pagiging Global Ambassador niya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagpunta sa HK?
Lumipad din siya sa HK sa launching niya bilang Global Ambassador ng ahensiya na nagpo-focus sa uplifting Filipino migrant workers.
Nakakabilib ang time management ni Alden. Magugulat ka na lang na nasa ibang lugar na siya dahil ang alam mo, nasa isang lugar pa siya.
Makakadagdag sa schedule ni Alden ang pagsisimula ng taping nila ni Nadine Lustre ng Love Siargao (LS).
“We’re gonna be flying out na sa Siargao. Project namin ni Nadine (Lustre) for Viu Philippines. So, we’re gonna stay there for a month, and then, we’re gonna finish the whole series na rin doon,” sabi ni Alden.
Dahil sa series, kailangang magpa-fit ni Alden.
“Kailangang ibalik ‘yung beach body ba ang tawag du’n. Pero yes, it’s part of the preparation as well, and it’s been a while na rin since my last project. Actually, Pulang Araw pa ‘yung huli kong series na nagawa, and excited din talaga ako makabalik to do acting,” pagse-share pa ni Alden sa interview sa kanya sa 24-Oras.
