top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aljur, super-tapang na naghamong ilabas ni Kylie ang kabit, nasopla, biglang tiklop

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2021
  • 3 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 25, 2021





Kahit alam ni Aljur Abrenica na kukuyugin siya ng mga tanong tungkol sa kanilang kontrobersiyal na hiwalayan ni Kylie Padilla ay um-attend pa rin siya sa presscon ng isa niyang movie nitong Sabado.


At hindi na nga hinintay pa ni Aljur na tanungin siya ng media, siya na ang mismong nagbigay ng kanyang bagong statement matapos ang naging kontrobersiyal niyang post laban kay Kylie.


Ayon sa aktor, hindi siya proud sa kanyang ginawa at nasagad lang daw siya kaya nakapag-post ng tungkol sa diumano’y pangangaliwa ng asawa.


The reason why na nagawa ko iyon — out of impulse. Kasi I felt like nasadsad na ako, eh.


Natulak. Lubog na ako. Nabugbog na ako,” katwiran niya.


Pero, sa kabila ng lahat ay “love of my life” pa rin daw niya ang estranged wife.


I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ang babaeng iyon.”


Ganu’n? ‘Babaeng iyon’ na lang ang tawag niya kay Kylie? Kung mahal niya, bakit ‘di matawag sa pangalan?


Just saying lang po.


Aminado naman daw siyang may pagkakamali rin sa mga nangyari pero sana raw ay matapos na ang isyu alang-alang sa kanilang dalawang anak.


Narito naman ang komento ng mga netizens hinggil sa isyu ng estranged celebrity couple.


“Kung kailan magpapa-interview na si Kylie (sa Kapuso Mo, Jessica Soho), biglang gusto na niya i-end. Siya ‘tong nagsimula, ang tapang-tapang nu’ng nag-post. Kung sana, inisip niya muna consequences ng gagawin niya, eh, di wala sanang gulo.”


“Pero need kasi ng side dish.”


“Nakakatawa nga, eh. Hindi niya kineri ‘yung revelations na padating. LOL! User. Loser mooch.”


“Maganda ‘yang truly loved pero me side dish......”


“‘Wag kang ganyan, Aljur. Wait kaming mga Marites, asan ang resibo mong claim mo na una siyang nag-cheat. Aberrrr, nasssa’n?!?!”


“Bagay ang ginawa n’ya sa ipino-promote niyang project... Manipula. After dropping a bomb kuno, wala, watusi pala. Wala kang resibo.”


"‘Ang babaeng ‘yun!’ Wow, some way to call the mother of your children, eh?”

“He lacks logical/rational thinking. He started this mess. Sorry the glasses won’t make you smart.”


“Ahhh. Kaya naman pala nag-ingay, may pelikula. ‘Kaloka, in the expense pa of his wife and kids.”


“Damage has been done. Bawi ka pa ngayon, tse!!”


“Neknek mo! Pagkatapos mo maghamon, titiklop ka ngayon?! Ang mga Marites will never forget! What has been said kennat be unsaid! Go pa din sa pasabog, Kylie sa KMJS!”

“You started it, id**t!”


“Whatever. Ok na, eh, pakalma na, eh. Pero nag-FB post ka pa. Kung tumulad na lang sana kayo kay YS, quiet until it died down. Eh, di tapos. But nooooo.”


“For the sake of our children… pamilya ko pa din sila… gusto ko na matapos to… It wouldn’t blow up in proportion if it weren’t for you, Aljur. Ngayon ayaw mo na pag-usapan, sasabihin mo, nasabi mo na lahat ng gusto mo. You instigated all of this, ‘di mo naman pala kaya panindigan.”


“Kapal ng fez. Biglang nahimasmasan. Akala niya siguro, dahil sa sinabi niya, makukuha niya ang simpatya ng tao. Well, may ilang biglang nagdalawang-isip at nagduda kay Kylie pero mas madami pa ring nabuwisit sa kanya. Kasalanan ang mangabit, kesehodang babae o lalaki, pero ‘yung ilalantad mo pa at bigla kang mag-feeling victim, ‘yun ang mali. Ang lala ng mga sinabi mo to think ang dami mo nang shortcomings.”


Sa mga komento ng netizens, ang lahat ay may galit sa aktor dahil sa kanyang ginawang ‘breaking silence.’


May nagsasabi pa ngang sino raw kaya ang nagsulsol kay Aljur para magsalita gayung napag-usapan na raw pala nilang tumahimik na lang?


Well, hanggang saan kaya hahantong ang bangayang ito ng estranged couple?


Mga Mosang at Marites, abang-abang na lang sa susunod na kabanata.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page