top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aljur, nasagad lang kaya ibinulgar ang panlalalaki ni Kylie

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 24, 2021




Nagbigay ng paliwanag si Aljur Abrenica hinggil sa talk of the town na rebelasyon niya sa Facebook few days ago kaugnay ng hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.


Sa nasabing FB post ay isiniwalat ni Aljur na si Kylie ang unang nangaliwa na siyang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Lumikha ito ng malaking alingasngas at ito ngayon ang paboritong paksa sa social media at sa showbiz world.


Kahapon ay dumalo si Aljur sa mediacon ng pelikulang Manipula kung saan ay siya ang lead actor at bago pa man magsimula ang presscon proper ay nagbigay na agad ng statement ang aktor.


Alam niya na hindi maiiwasang matanong siya ng entertainment press tungkol dito at talaga namang hinihintay ng lahat ang kanyang sasabihin kaya siya na ang kusang nagsalita.


Pag-amin ni Aljur, hindi niya gusto at hindi siya proud sa kanyang ginawa.


“I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, I felt like nasadsad na ako, nabugbog na ako. So, it was not my intention na maglabas ng ganu’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ‘yun,” pahayag ni Aljur.


Ayaw na raw niyang dagdagan pa or mag-elaborate pa sa mga nai-post niya.


“Ang sa akin, I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila,” he said.


“Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at ganu’n kaapektado ang mga tao dahil sinubaybayan n’yo ang pagsasama namin ni Kylie,” patuloy niya.


Sinabi rin ng aktor na minahal niya talaga si Kylie at naapektuhan din siya sa nangyari.


“I can still stay na she was the love of my life. Talagang minahal ko ‘yung babaeng ‘yun. And I valued our family more than anything. So I was really affected nang mangyari ‘yun,” saad niya.


Respeto ang hiling ni Aljur para sa kanilang dalawa ni Kylie at sa kanilang pamilya.


“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako and for the sake of our children, gusto ko na lang matapos ‘to,” he said.


“She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami, I will never forget that, ipinagpapasalamat ko ‘yun,” dagdag niya.


“Napakinggan n’yo na ang mga sinabi ko, sa post na ‘yun, at lahat lumabas na, hanggang du’n na lang. So, sana, hinihingi ko po sa inyo na para sa mga bata, para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo, utang na loob namin sa inyo, ganu’n na lang,” pagtatapos ni Aljur.

Samantala, nagpapasalamat naman ang aktor sa sunud-sunod na proyektong dumarating sa kanya tulad nga nitong Manipula na idinirehe ni Neal “Buboy” Tan.


Bilib ang aktor sa kanyang leading lady na si Ana Jalandoni na siya ring producer ng pelikula.


Hindi raw madali na mag-produce ng isang pelikula lalo pa nga’t bata pa rin ang aktres.


Bukod dito ay 6 na karakter ang ginampanan dito ni Ana na hindi rin talaga madaling gawin.

Kasama rin sa Manipula sina Kiko Matos, Rosanna Roces, Christian Vasquez, Allan Paule, Marco Alcaraz at marami pang iba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page