Aljur, nag-ingay dahil may movie, Kylie ibinulgar na nanlalaki
- BULGAR
- Oct 25, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 25, 2021

Maraming netizens ang hindi kumbinsido sa bagong statement ni Aljur Abrenica patungkol sa wife niyang si Kylie Padilla.
Bagama’t binura na ni Aljur ang kanyang pasabog na post kay Kylie tungkol sa diumano’y pagtataksil nito, hindi ito sapat upang kumalma ang mga fans at supporters ng Kapuso actress.
Too late na raw para kay Aljur dahil the damage has been done. Hindi na mababawi ng aktor ang kanyang masasakit na akusasyon sa dating asawa. Durog na durog ang pagkatao ni Kylie sa kanyang mga ibinunyag sa publiko.
At ngayon, heto at sasabihin ni Aljur na si Kylie pa rin ang kanyang “love of my life”.
Nagawa lang daw niyang magsalita dahil bugbog na bugbog na siya sa mga bashers.
Gusto niyang depensahan ang kanyang sarili.
Well, say naman ng ilang netizens, may movie kasi ngayon si Aljur na ipino-promote kaya nag-iingay. Ayaw niyang maging nega sa paningin ng publiko.
Pero para sa mga fans ni Kylie Padilla, ang dapat na sinagot ni Aljur ay kung totoo ang paratang sa kanya ng mga kaanak ng aktres na malaki ang utang niya sa misis. Naubos daw kasi ang P6 M savings ni Kylie sa bangko dahil siya ang gumagastos sa lahat-lahat.
Wala kasing trabaho si Aljur noong lockdown.
Well, after ng mga nangyari sa pagitan nila, at this point of their life, hindi ganu’n kadali ang kanilang pagkakasundong muli. Mukhang ine-enjoy na lang ni Kylie ang kanyang pagbubuhay- dalaga ngayon. Nagkaroon siya ng kalayaan.





Comments