Aljur, 'di na talaga ma-take sa pambababae… KYLIE, NAGSARILI NA NG BAHAY BITBIT ANG 2 ANAK
ni Nitz Miralles - @Bida | July 11, 2021

Iiwan na pala ni Kylie Padilla at ng dalawa niyang anak ang bahay ni Aljur Abrenica sa may Scout area sa Quezon City.
In-announce ni Kylie sa Instagram kahapon ang “Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited. But of course I have to make sure that our new furniture is clean and sanitised.”
Ipinost nga ni Kylie na bina-vacuum ang mattress, sofa at carpets at lahat siguro ng gamit sa bahay ay nilinis. Hindi binanggit ni Kylie kung saan sila lilipat, pero ang mga fans nila ni Aljur, nalulungkot na parang tuluyan na silang maghihiwalay ng asawa.
At the same time, pinuri nila ang pagiging strong ni Kylie at nangako ang fans nito sa suporta kapag bumalik na siya sa showbiz. Natuwa sila sa sinabi ni Kylie na gusto na niyang mag-training uli at may training area sa bahay na lilipatan niya.
Tuloy naman ang paninisi kay Aljur ng ilang fans ng Encantadia. Dahil daw sa aktor kaya pinatay ang karakter ni Kylie na si Amihan. Ang laki raw ng kasalanan ni Aljur sa fans ng Encantadia. Hahaha!





Comments