Alituntunin sa pagiging chemical technician
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 08, 2021
Dear Chief Acosta,
Kumuha ako ng kurso na chemistry sa public school at nakakumpleto na ako ng 20-chemistry units. Sapat na ba ang aking nakumpletong pag-aaral upang makapag-apply para sa chemical technician licensure exam? - Joey
Dear Joey,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 18 ng Republic Act No. 10657 na mas kilala bilang "Chemistry Profession Act" na kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Section 18. Qualifications of an Applicant for Chemical Technician. – To be authorized to practice the profession of chemical technician, an applicant must: (a) Be a citizen of the Philippines or a citizen of a foreign country which grants the corresponding privilege to Filipinos; (b) Be of good moral character and of sound mind; and (c) Have successfully completed at least thirty (30) units of undergraduate chemistry courses from an institution duly recognized by the CHED or the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). The courses should include both lecture and laboratory courses in the following subjects: General Chemistry, Analytical Chemistry and Organic Chemistry. A certified true copy of the applicant’s transcript of records must accompany the application.” (Binigyang-diin)
Ayon sa batas, isa sa mga alituntunin sa pagkuha ng board exam upang maging chemical technician ay ang pagtapos ng hindi bababa sa tatlumpung (30) units ng chemistry courses mula sa institusyon na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) o ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa inyong sitwasyon, hindi pa ninyo taglay ang mga katangian upang makakuha kayo ng chemical technician licensure exam sapagkat kulang pa ang natatapos ninyong units ng undergraduate chemistry course. Maaari kayong magsumite ng aplikasyon para sa pagkuha ng chemical technician licensure exam, kung inyong taglay ang lahat ng mga katangian na nakasaad ng aplikante para rito sang-ayon sa batas.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments