top of page

Alin ang malakas, VP Sara-Sen. Imee o VP Sara-Sen. Robin sa 2028 election?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2025
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 16, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

ABSUWELTO NA SANA SI VP SARA SA JUNE 30, KUNG NASUNOD ANG MUNGKAHI NI SEN. TOLENTINO NA 19-DAY IMPEACHMENT TRIAL -- Nang i-convene na ang impeachment court noong June 10, 2025, isinulong ni outgoing Sen. Francis Tolentino na tapusin sa loob ng 19 days sa 19th Congress ang impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na magwawakas sa June 30, 2025.


Kung iyang mungkahi ni Sen. Tolentino ang inaprub ni Senate Pres. Chiz Escudero at hindi ang mungkahing remand ni Sen. Alan Cayetano, mas pabor na pabor sana ito kay VP Sara, kasi nga sa naganap na botohan sa remand ay maraming senator-judges ang lumutang na pro-Sara Duterte dahil 18 ang bumoto ng yes sa remand, at 5 lang ang nag-no, na ang nais nating ipunto rito, pagsapit sana ng June 30 ay tiyak ganyan (18 senator-judges) din karami ang bobotong iabsuwelto sa mga impeachment cases ang bise presidente.


Dahil ang pinili ni SP Escudero ay iyong isinulong ni Sen. Cayetano na remand, kaya nasabi ng mga law experts na buhay pa rin ang mga kasong impeachment kay VP Sara, na tuloy ang impeachment trial sa bise presidente sa 20th Congress dahil sinertipikahan na ito ng Kamara na naaayon sa Konstitusyon ang mga nilalaman ng articles of impeachment. At sa dami ng mga kongresistang nakasuporta sa speakership uli ni Leyte Rep. Martin Romualdez, siguradong a-agree ang mga ito na ituloy sa 20th Congress ang impeachment trials kay VP Sara, period!


XXX


TOTOO ANG SINABI NI SEN. BONG GO NA HINDI UMAATRAS SA LABAN ANG PAMILYA DUTERTE --Tiniyak ni VP Sara na tatalima o susunod siya sa summons na inisyu sa kanya ng impeachment court kaugnay sa mga kinakaharap niyang impeachment complaints.


Patunay iyan na totoo ang sinabi ni Sen. Bong Go na hindi umaatras sa laban, sa hamon ng buhay ang pamilya Duterte, period!


XXX


VP SARA-SEN. IMEE O VP SARA-SEN. ROBIN SA 2028 ELECTION? -- Inilutang ni Sen. Robin Padilla ang tambalang VP Sara-Sen. Imee Marcos sa 2028 presidential election pero kontra rito si former Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, na mas malakas daw ang tandem na VP Sara-Sen. Robin Padilla.


Alin nga kaya ang malakas na tandem, VP Sara-Sen. Imee o VP Sara-Sen. Robin? Abangan!


XXX


TANGGALIN NA ANG EXCISE TAX SA LANGIS -- Dahil sa digmaang Israel at Iran, may nakaamba raw na bigtime oil price hike next week.


Parehong powerful ang dalawang bansa na iyan at tiyak na tatagal ang digmaan nila kaya’t para hindi naman madamay at dusa ang motorista, dapat tanggalin na ni Pres. Bongbong Marcos ang excise tax sa langis, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page