top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ALI KHATIBI, MILYONES ANG NAKUHA SA ANNULMENT NILA NI CRISTINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 27, 2024




MAHIGIT isang taon nang annulled ang kasal ni Cristine Reyes sa ex-husband niyang si Ali Khatibi, kaya malaya silang lumantad at umamin sa relasyon nila ni Marco Gumabao. 


At dahil dito, inilabas na rin ni Ali Khatibi sa social media ang bago niyang karelasyon na si Dona Balmadrid. 


Ayon sa ilang malalapit na kaibigan ni Cristine, gumastos ang aktres ng malaking halaga na umabot sa milyon para sa annulment ng kasal nila, at milyones din ang nakuha ni Ali mula sa conjugal property nila ni Cristine.


Ngayon ay tahimik at masaya na ang love life ng aktres dahil nakatagpo ito ng bagong pag-ibig sa aktor na si Marco Gumabao. 


Compatible naman sila at magkasundo sa maraming bagay. Tanggap din ni Marco ang anak ni Cristine na si Amara.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page