Alexa at KD, laglag sa PBB… WILBERT, GUMASTOS NG P1.5 M 'WAG LANG MA-EVICT SI MADAM INUTZ
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 30, 2021

Maraming netizens ang nadismaya sa pagkaka-evict nina Alexa Ilacad at KD Estrada sa last eviction ng PBB Kumunity Season 10 nu'ng Sunday night.
Naniniwala raw kasi silang maiiwan pa sa Big Brother house ang dalawang celebrity housemates.
Ang inaasahan nilang isa sa lalabas nu'ng gabing 'yun ay ang dating Online Seller Queen na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz. Nasa bottomline raw kasi for eviction si Madam Inutz.
Last minute raw ay nagpasabog ng 57.7 million votes ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino na tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga. Kaya, nasa loob pa rin ng PBB house si Madam Inutz.
Malapit nang malaman kung sino ang magiging Big Winner sa 10th Season ng PBB at ang mga natitira ay sina Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Madam Inutz, Samantha Bernardo at Brenda Mage.
Hindi na rin Big Four ang tawag sa mga naiwan kundi Final 5 na.
Heto pa ang announcement ni Big Brother, 2 winners ang hihiranging Big Winners na tatawaging Top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition Season 10.
Among the 5 celebrities na naiwan sa PBB house, tanging ang volleybelle player na si Alyssa ang never pang na-nominate for eviction since Day 1.





Comments