ALEX, UMAMING NAKUNAN ULI SA SECOND BABY
ni Beth Gelena @Bulgary | November 6, 2023

Ibinulgar ni Alex Gonzaga ang kanyang second pregnancy loss sa unang pagkakataon.
Sa interview ng kanyang sister na si Toni Gonzaga sa show nitong Toni Talks ay ibinahagi niya ang kanyang pangalawang miscarriage this year.
Ayon kay Alex, nag-decide sila ng mister na si Mikee Morada na sumailalim sa IVF for their second baby.
Pero, nagkaroon daw siya ng second miscarriage last October na hindi nila isinapubliko.
Natanong ni Toni kung bakit siya dumaan sa IVF at bakit siya nagmamadaling mabuntis uli.
"Nape-pressure ako sa tao," ani Alex.
Sabi naman ni Toni, “Oo, kasi lahat sinasabi na, 'Si Alex na ‘yung susunod.' Naalala mo nu’ng baby shower ko, 'Alex, ikaw na!' Tapos lahat ng video mo, 'Pregnant na si Alex, hindi lang niya sinasabi.' Pero ang ‘di nila alam, you just lost another pregnancy."
Naluha si Alex nang maalala niya ang nangyari nu'ng kanyang kaarawan.
"‘Yung nangyari sa ‘kin this year du’n sa ano ko, birthday ko, ‘yung parang every time na may mami-meet ako, sasabihin na parang, 'Ah, mabait ka naman pala.' Sabi ko, 'Bakit kaya naging ganu’n ‘yung connotation sa akin this year?' So, parang naano lang ako na, 'Sana, Lord, ang sakit ng mga pinagdaanan ko. Sana, may maganda namang balik,'" aniya pa.
Well, hindi naman kailangang ma-pressure ni Alex dahil ang baby ay blessing na ibinibigay ni Lord sa right time.





Comments