ALESSANDRA, NAGKAKASAKIT NA DAHIL SA KONTRABIDA ROLES
- BULGAR
- Sep 29, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 29, 2023

Ayaw nang tumanggap ng kontrabida role ni Alessandra de Rossi. Sa dami ng kanyang nagawang offbeat roles sa mga serye sa telebisyon ay naapektuhan ang kanyang kalusugan.
Ito raw ang resulta kapag laging galit ang isang tao, naging acidic at nagkaroon daw siya ng palpitation.
Next year (2024) ay 40 years old na si Alessandra de Rossi kaya nagdesisyon siyang 'wag nang tumanggap ng kontrabida role. Ayaw na rin niyang gumawa ng teleserye. Gusto pa rin niyang gumawa ng pelikula tulad ng Firefly na produced ng GMA Pictures at idinirek ni Zig Dulay. Bilib si Alex sa kakayahan ni Zig na direktor din ng Maria Clara at Ibarra.
Isang magical fantasy ang Firefly at dito ay gaganap si Alessandra bilang nanay ng 10-year-old boy.
Okey lang kay Alessandra ang mother role kahit na dalaga pa siya ngayon.





Comments