ALESSANDRA, ILANG BESES MINURA NI DIREK, SINABIHANG ‘DI SISIKAT
- BULGAR
- Nov 7, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 7, 2023

Hindi galit, nagrebelde o nagtanim ng sama ng loob si Alessandra de Rossi sa ilang direktor na nanigaw at nanlait sa kanya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-audition sa showbiz.
Naranasan niyang masigawan at murahin ng ilang direktor noon. At sinabihan pa siyang hindi sisikat at hindi papasang artista. Pero hindi ito dahilan upang panghinaan ng loob at umatras si Alessandra sa pagpasok sa showbiz.
Unang sumikat at nagbida ang kanyang Ate Assunta. Maganda kasi ito, matangkad at makinis ang kutis.
Tanggap ni Alessandra na kulang siya sa height, sa ganda, morena at mukhang ordinaryong babae lang. Ganunpaman, may nakapansin din sa kanyang mga producers at kinuha siya sa pelikula.
Aminado si Alessandra na choosy siya sa mga projects na kanyang tinatanggap. Hindi lahat ng offers na dumarating ay kanyang sinusunggaban. At namimili rin siya ng mga artistang makakasama sa pelikula.
Paborito niyang katrabaho sina Piolo Pascual at Empoy Marquez. Pangarap din ni Alex na magdirek at mag-produce ng pelikula at nabigyan naman niya ito ng katuparan.
At this point of her life, wala pa sa agenda ni Alessandra ang magkaroon ng sariling pamilya kaya sa career muna niya ibinubuhos ang kanyang panahon.
Kasama sa MMFF 2023 ang pelikulang Firefly kung saan siya ang bida. Pampamilya ang movie at tiyak matutuwa ang mga bata na ito ay panoorin. May show din sila ni Empoy Marquez sa NET25.
Comments