top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

AlDub fans, this is it! MAINE AT ALDEN, MAGSASAMA NA ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 24, 2024





Matutuwa nito ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil magkakasama sila sa BingoPlus Night 2024 na naka-schedule sa March 1, 2024. 


First time na magkakasama ang former love team after ng wedding nina Maine at Cong. Arjo Atayde.


Ano kaya ang narrative na lalabas sa kanilang pagkikita? ‘Yun ay kung magkakasama sa stage sina Alden at Maine. 


Sina Maine at Piolo Pascual ang mga hosts at guest si Alden. Bukod sa kanya, marami pang ibang guests. Posible silang hindi magkita at si Piolo na lang ang mag-interview kay Alden.


On the other hand, walang rason para mag-iwasan sina Alden at Maine dahil friends naman sila at may chance na magkumustahan sa nasabing okasyon. Wala namang masama kung mag-uusap sila, kaya lang, tiyak na bibigyan ng ibang meaning ng ibang AlDub fans ang pagkikitang ito nina Alden at Maine.


Speaking of Alden, tanong ng kanyang mga fans, natuloy ba ang streaming ng series na Out of Order na ang in-announce na schedule ay February 21 either sa Netflix o Amazon? 


Parang walang ibinalita ang Viva at Myriad Entertainment na pag-aari ni Alden. Si Alden ang lead actor, director at co-producer ng series at baka sumunod na rito ay pelikula ang kanyang idirek.


Sa ngayon, busy si Alden sa taping ng Pulang Araw na nagbigay sa kanya ng matinding challenge. Sa dialogue pa lang daw, nahihirapan na siya dahil malalalim na salitang Tagalog ang kanilang gamit. Pati nga ang buhok ni Alden, iniba, may bangs siya na parang kulot pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page