ALDEN, UMAMING NAGULAT SA HIWALAYAN NG KATHNIEL
- BULGAR
- Dec 5, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 5, 2023

ALDEN, AYAW MA-BASH, NO COMMENT SA HIWALAYANG KATHRYN-DANIEL
Ayaw mag-comment ni Alden Richards sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nahingan ng reaksiyon ang aktor sa group interview pagkatapos ng Q&A sa grand mediacon ng Metro Manila Film Festival 2023 entry na Family of Two (A Mother & Son Story) kung saan ay silang dalawa ni Sharon Cuneta ang bida.
Aminado naman si Alden na nagulat siya sa breakup pero hanggang doon lang daw ang masasabi niya.
“Yes, nagulat po ako. Pero uunahan ko na po kayo, hindi po ako magko-comment sa kahit anong questions,” sey ng aktor.
Nahingan din siya ng komento tungkol sa pagsi-ship ngayon sa kanila ni Kathryn at hinihiling na magtambal ulit at sila na lang daw since pareho silang single ngayon.
“Ako po, respeto ko na lang po sa kanilang dalawa. I’ll just keep quiet po with this issue. Pero tingnan na lang po natin kung ano ang magiging turn-out, pero sa ngayon, parang they deserve the space that they need to go through,” he said.
Tungkol sa requests ng netizens na pagtambalin silang muli, ani Alden, “Ayoko pa rin pong mag-comment du’n (sabay-tawa), pero baka galing po ‘yun of course sa Hello, Love, Goodbye, sa success ng film. And si Kath naman po and I are good friends. So, kumbaga, we’ll never know po what the future holds.”
Dagdag pa niya, “Pero ‘yun nga po, kasi medyo mainit po ‘yung topic, baka maisali po ako ulit, ako po ‘yung ma-bash. Ayoko na po nang naba-bash, tatahimik na lang po ako sa issue na ‘yan.”
Samantala, ang Family of Two ang unang pagsasama nina Alden at Sharon at ito rin ang comeback ni Megastar sa MMFF pagkatapos ng maraming taon. Her last December filmfest entry was in 2009 for Mano Po 6 kung saan ay nanalo siyang Best Actress.
In Family of Two, ayon kay Alden ay malaki raw ang chance ni Sharon na manalong muli ng Best Actress. Ikinuwento ng aktor ang pinakapaborito niyang scene ni Mega sa pelikula kung saan wala raw dialogue ang kanyang ‘Mama’ (tawag niya kay Shawie) for 15 seconds pero ramdam na ramdam daw ang emosyon nito.
Agree naman si Direk Nuel Naval at komento niya, “Master class in acting. Mata-mata lang talaga.”
Dagdag pa ng direktor, “It was a magical moment, ‘yung ipinakita ni Sharon.”
Showing na ang Family of Two sa December 25 mula sa Cineko Productions.
Kasama rin sa movie sina Miles Ocampo, Jackie Lou Blanco, Pepe Herrera at marami pang iba.





Comments