ALDEN, TODO-THANK YOU NA UMABOT NG P50 M ANG MOVIE NILA NI JULIA
- BULGAR
- Nov 2, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | November 2, 2023

Sobrang saya ni Alden Richards at nagpapasalamat sa mga sumuporta sa kanilang movie ni Julia Montes dahil umabot na sa P50 M ang kinita ng Five Breakups and a Romance.
Epal naman ang komento ng netizen na ito, "Talaga ba? Malaki na ba ‘yun?"
Hindi kaya aware ang basher na ito na hirap nang kumita ng P10 M ang isang pelikula ngayon, P50 M pa kaya?
Kaya sinagot siya ng isang commenter, "For a 2nd week gross post-pandemic? Then YES!"
"Hindi naman ipo-post ‘yan ng producer if hindi considered malaki ang kita. Yes, 50M is huge given na maraming Pinoy ang hindi na nanonood sa sinehan sa mahal ng ticket." (Tama!)
"Yes, malaki na ‘yan sa panahon ngayon na puro flop ang Pinoy movies sa cinemas since the pandemic."
"Siyempre, merong ampalayang magpapasaring. Bakit hindi na lang maging happy para sa mga producers? Naglalabas sila ng puhunan para maaliw tayo. Ganyan na ba talaga kasama ang mga Pinoy?"
"For a GMA film, yes. And even for Julia, I think, malayo sa blockbuster pero hindi naman flop."
“‘Wag mo ngang i-compare ang dati sa ngayon, wala pang pandemic dati at afford pa ng marami ang ticket. Ngayon, post-pandemic, marami nang nagsitaasan kasama na ‘yung sinehan. Kaya maraming hindi nanonood ng sine at dagdag pa ‘yung mga streaming na mas tipid kaysa sa theater. Kaya P50M, okay na ‘yan kaysa sa wala."





Comments