ALDEN, NILILIGAWAN NA SI KATHRYN, FAKE NEWS!
- BULGAR
- Apr 11, 2024
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 10, 2024

Ang daming nakikisakay ngayon sa Kathryn Bernardo-Alden Richards pakilig moments, ha?
Kalat na kalat kasi ngayon ang mga memes ng diumano'y pag-amin ni Alden Richards na nililigawan na niya si Kathryn at gusto pa raw pakasalan, habang sa parte naman ni Daniel Padilla na ex-BF ni Kathryn, may mga kumakalat ding memes na diumano'y nagsalita na rin ito sa pagli-link ngayon kina Alden at Kathryn.
Obviously, dahil ang dami ngang kinilig nu'ng binigyan ni Alden si Kathryn ng bouquet of red roses last birthday ng aktres, gamit na gamit ngayon ng ilang netizens na gustong kumita at mag-viral ang issue kina Kathryn at Alden.
Well, come to think of it, sabagay, makakatulong din naman sa early promo — kung meron nga, ha? — ng reunion project nina Kathryn at Alden ang pagli-link sa kanila ngayon.
May mga naririnig kasi kaming nagpu-push na sana ay ituloy na ang sequel ng Hello, Love, Goodbye na unang movie together nina Alden at Kathryn.
Marami raw kasing nabitin sa tambalan nila noon lalo't halatang-halata na pigil na pigil ang pakilig nila sa isa't isa dahil nga may Daniel Padilla pa sa eksena.
Pero ngayong break na ang KathNiel at malayang-malaya na si Kathryn, puwedeng-puwede na rin daw makipag-kissing scene — at kahit nga bed scene pa siguro — si Kathryn kay Alden.
Kaya ngayon pa lang, may mga nananawagan na sa mga movie producers para gawin na ang sequel ng HLG at isali sa Metro Manila Film Festival 2024 para bongga uli ang taunang festival sa December.
Alam na!





Comments