top of page
Search
  • BULGAR

ALDEN, NAINLAB KAY PIA PERO ‘DI NANLIGAW

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 16, 2024




Sa isang interview ni Boy Abunda, inamin ni Alden Richards na nagkagusto siya noon kay Pia Wurtzbach noong ‘di pa ito beauty queen at nananalong Miss Universe. 


Pumapasyal daw sa Eat… Bulaga! si Pia at dumadalaw sa BFF niyang si Pauleen Luna. 


Sa EB! niya madalas makita si Pia, pero hindi niya nagawang sabihin dito ang kanyang saloobin hanggang sa maging Miss Universe na raw ito at nag-alangan na si Alden dumiskarte dahil malayo na ang agwat nila ng dating Miss Universe.


Isa pa sa mga ikinagulat ni Alden Richards ay ang big confession ni Mikee Quintos nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda. Inamin kasi ni Mikee na nagkagusto siya noon kay Alden at umasang liligawan ng aktor.


Nagkasama sila dati sa isang serye ng GMA Network at naging close sa isa’t isa. Madalas din silang magkasama sa hiking at mountain climbing with Kristoffer Martin. Pero, good friend lang pala ang turing sa kanya ni Alden. 


Samantala, dumating naman kay Mikee Quintos ang kanyang Mr. Right na si Paul Salas at masaya sila sa kanilang relasyon ngayon.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page