ALDEN, MAY BAHAY, KOTSE, ETC., FEELING EMPTY PA RIN DAHIL 34 NA, WALA PA RING DYOWA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 16, 2026

Photo: IG _aldenrichards02
Marami ang naawa at nakisimpatya kay Alden Richards nang maging emosyonal ito sa kanyang guesting sa pilot episode ng Gandang Gabi Vice (GGV). Naiyak siya at halos hindi makapagsalita nang mapag-usapan ang kanyang sitwasyon at maging ang personal niyang buhay.
Sa kabila ng kasikatan na kanyang tinatamasa sa kanyang career at ang milyones na kanyang kinikita, malungkot pa rin ang aktor.
Nabigyan niya ng maginhawang pamumuhay ang kanyang pamilya, nakapagpundar siya ng mga properties at nakapagpatayo ng mga negosyo.
Nabili rin niya ang pangarap niyang kotse at motorsiklo. Nagkaroon din siya ng collection ng mga luxury watches.
Pero hindi maramdaman ni Alden ang kaligayahan. Naghahanap siya ng pagmamahal sa mga taong mahalaga sa kanya.
May pressure rin para kay Alden na sa kanyang edad ngayong 34 ay hinahanapan na siya ng sariling pamilya.
Pero bakit mailap pa rin sa kanya ang tunay na kaligayahan?
Well, may ipinagtapat si Alden kay Vice Ganda. Ibinulong niya kung sino ang last na niligawan niya sa showbiz. Hindi sila nagkatuluyan dahil umatras ito. Actually, pareho raw sila.
Ngayon, mas binigyan niya ng prayoridad ang kanyang career at isinakripisyo na niya ang kanyang love life. Ramdam pa rin ni Alden ang lungkot at emptiness sa kanyang puso.
1 taon nilang ipinag-pray ng mister…
PAGBUBUNTIS NI GLAIZA, SI ANGELICA ANG UNANG NAKAALAM
FIVE months pregnant na ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa unang anak nila ng mister niyang si David Rainey.
Masayang-masaya ang aktres nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Nagkuwento pa siya na hindi siya nakaranas ng cravings at hindi nahirapan sa paglilihi.
Ang BFF niyang si Angelica Panganiban ang unang nakaalam na siya ay preggy. Tuwang-tuwa raw ito nang malaman.
Bukod kay Angge, masaya rin para kay Glaiza sina Rochelle Pangilinan at Gabby Eigenmann.
Well, handang-handa na ngang maging mommy si Glaiza. Magka-birth month pa
sila ng kanyang baby kung sakaling manganak sa January, 2027.
Isang taon daw na ipinagdasal ni Glaiza at ng kanyang mister na bigyan na sila ng little angel, at tamang-tama naman na wala na siyang tinanggap na anumang project upang walang conflict sa kanyang pagbubuntis.
Sa wakas, matutupad na ang pangarap niyang makumpleto ang kanilang pamilya.
Anak-anakan, palaban…
SHARON, ‘DI NASAPAWAN SI BARBIE SA EKSENA NILA
MARAMI sa mga nakapanood ng Honor Thy Mother (HTM) sa Prime Video ang pumuri sa napakahusay na pagkakaganap ni Barbie Forteza ng role bilang palabang anak ni Megastar Sharon Cuneta.
Talagang ginalingan nang husto ng aktres ang kanyang pag-arte at hindi siya nasapawan ni Mega. Nakipagsabayan siya sa aktingan sa kanyang idolo.
Napaka-intense ng mga eksena nila ni Sharon at nagmarka nang husto ang character ni Barbie.
Ang HTM ay isang kuwento tungkol sa mother-daughter relationship. Pero kakaiba ito sa mga pelikulang ginawa noon nina Sharon at Barbie. Parehong powerful ang kanilang performance.
Pinuri rin ni Megastar si Barbie dahil sa mahusay niyang pagganap. Marami ang nagsasabing sana ay maipalabas din sa mga sinehan ang HTM.
Level-up na nang husto ang pagiging aktres ni Barbie. Mas matindi ang akting niya sa Honor Thy Mother kumpara sa Saving Cherry.
NAGING special guest si Manila Mayor Isko Moreno sa ginanap na selebrasyon ng Mid-Autumn Festival sa Binondo na sponsored ng FFCCCII (Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry).
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Isko sa lahat ng Chinese businessmen na bumubuo sa FFCCCII dahil sa malaking ambag nila sa pag-unlad ng mga negosyo sa Lungsod ng Maynila, especially sa Binondo at Divisoria area.
Ito ang naging sentro ng kalakalan ng mga Chinese, at dito matatagpuan ang malalaking restos na dinarayo ng mga local at foreign tourists.
Taun-taon ay ipinagdiriwang ang Mid-Autumn Festival (Moon Festival) sa buwan ng Setyembre.
Sa taong ito, present sa ginanap na event ang FFCCI officers na sina Mr. Victor Lim (president), Eduardo Cobankiat (board member), at Wilson Lee Flores (chairman ng Media and Public Information Committee).





Comments