ALDEN, MAY 12 SCHOLARS SA FOUNDATION, 2 NAKA-GRADUATE NA
ni Nitz Miralles - @Bida | December 09, 2021

Isinelebreyt ni Alden Richards ang 11 years niya sa showbiz at dahil may pandemic pa rin, hindi niya nakasama ang kanyang mga fans na laging pinasasalamatan ang suporta sa kanya.
Sa halip, nag-IG Live kahapon si Alden at doon nakipagkumustahan sa kanyang mga fans.
Marami pang aabangan ang mga fans kay Alden sa 2022 at isa na rito ang movie nila ni Bea Alonzo na sana, masimulan na ang shooting. May teleserye rin siyang gagawin at sa January 30 ang kanyang ForwARd documentary concert na ang proceed will go to his AR Foundation.
Sobrang invested si Alden sa kanyang foundation dahil mga estudyante na gustong mag-aral but not financially capable ang matutulungan.
May 12 scholars ang AR Foundation at dalawa na ang nag-graduate. At dahil gusto ni Alden na madagdagan pa ang mga scholars nila, kailangan pa niyang magsipag.
Masaya nitong in-announce na hanggang 2025 ang budget nila for the scholars pero kailangan pa para hanggang maka-graduate ay matutulungan nila.
Lilipad pa-San Francisco si Alden para roon mag-Christmas at New Year at doon na rin magse-celebrate ng kanyang 30th birthday.
First time ni Alden na hindi makakasama sa New Year Countdown ng GMA Network na live gagawin this year. Tiyak na babawi ito sa kanyang mga fans sa kanyang pagbabalik.





Comments