ALDEN, GUSTO PA RING TAPUSIN ANG COLLEGE KAHIT SIKAT AT RICH NA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 16, 2021

Natuloy din ang pagre-renew ni Alden Richards ng kontrata niya sa GMA Artist Center kahapon, 12 NN sa EDSA Shangrila.
Dapat, last June pa nag-renew ng kanyang kontrata sa network si Alden, hindi lang maisingit sa kanyang schedule, kaya ngayong October na natuloy.
Saka, hinintay muna ng GMA na matapos ang locked-in taping ni Alden ng primetime series na The World Between Us.
Sa nabasa namin, inabot nang 29 days ang fourth cycle taping ng family drama.
“Patience, hardwork and faith,” ang mga binanggit ni Alden na dapat meron ang isang artista para maging successful.
Idagdag pa ang loyalty na malaking bagay para sa kanya. Ang ganda ng sinabi nitong “Loyalty begins and ends with gratefulness.”
Nabanggit ni Ms. Lilybeth Rasonable na after ng TWBU, may gagawing big project si Alden.
“After TWBU, may sisimulan siyang mas malaking project. Excited na nga si Alden at magugulat ang mga fans sa role na gagampanan ni Alden.”
Open din si Alden sa project with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. “Mas game pa ako sa game kasi idol ko ang dalawang ‘yun. Nagpaka-fanboy nga ako when I first met them sa Christmas party ng stylist namin. Forever fanboy ako ng dalawa.”
For now, focused muna si Alden sa TWBU at inulit ang sinabing, “This is one of the best projects na ginawa ko in the past five years. Sobrang masaya ako sa mga co-stars ko at sa nagawa ko rito. Hintayin n’yo ang pagbabalik namin. I’d like to believe we finished strong.”
Gusto ring makatapos ng college ni Alden.
“Ang success ko sa showbiz is for my mom, dream niya sa akin ito. Ang dream for a diploma is for my dad, sabi niya, kahit ano’ng mangyari, tapusin ko ang studies ko at gagawin ko ‘yun. Gusto kong i-major ang Business Economics because I’m into stock market,” dagdag pa nito.
Masaya rin si Alden sa nakuhang award ng Alden’s Reality concert niya sa New York Festivals TV and Film. The country’s first-ever virtual reality concert won a finalist certificate under the Entertainment Special: Special Event category.
“I was really happy to hear about the news, and very thankful of course! Shooting in VR was a new experience for all of us...,” sabi ni Alden.





Comments