top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ALDEN, GAMIT NA GAMIT DAW SI MAINE PARA SA MOVIE NILA NI JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2023
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 13, 2023


May ilang grupo ng fans ang nagpoprotesta sa ginawang pag-amin ni Alden Richards kay Boy Abunda na na-fall din siya noon kay Maine Mendoza.


Halatang mga fans ni Maine ang nagre-react at hindi ang Aldub fans.


Hanggang ngayon kasi na kasal na si Maine kay Arjo Atayde, patuloy pa rin na umaasa ang mga AlDub fans na sina Maine at Alden ang talagang meant for each other.


At maraming tagahanga nina Alden at Maine ang nalungkot nang mabuwag na ang AlDub love team.


Matagal na nanahimik si Alden Richards nang tuluyan na silang nagkahiwalay ni Maine.


Malaking boost sa kanyang career na nag-box office hit ang movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye at ipinareha pa siya kay Bea Alonzo sa Start Up PH.


Tuluyan nang binura ang anino ng AlDub love team. Hinubog din siya ng GMA-7 upang maging host via Battle of the Judges. At ngayon ay nakagawa siya ng movie katambal si Julia Montes.


Ganunpaman, ginawang isyu ng ibang fans ang pag-amin ni Alden na totoong minahal niya si Maine Mendoza nang magtambal sila nang matagal sa programang Eat… Bulaga!.


Inaakusahan si Alden na ginagamit niya si Maine para i-promote ang movie nila ni Julia Montes, ang Five Break-Ups and a Romance. Dapat daw ay hindi na binabanggit pa si Maine sa kanyang mga interviews.


Depensa ng mga fans ni Alden, nagpakatotoo lang naman siya at sinagot ang tanong sa kanya ni Boy sa Fast Talk with Boy Abunda.


At this point of his career, hindi na kailangan ni Alden na gamitin pa si Maine para sa promo ng kanyang movie. Tuluyan na siyang nakawala sa anino ni Maine. Susuportahan siya ng kanyang mga loyal fans kahit sino pa ang kanyang kapareha.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page