Albert, dedma kahit pagpiyestahan sila ni Faith
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 18, 2021

Ayon kay Albert Martinez, sa ilang taon na rin naman niyang pamamalagi sa showbiz ay sanay na sanay na siya sa mga intriga kaya hindi naman daw siya naapektuhan sa tsismis sa kanila ni Faith da Silva.
Magkasama sina Faith at Albert sa bagong serye ng GMA-7 na Las Hermanas at dito nga nagsimula ang tsikang may namumuo umanong relasyon sa dalawa.
“I’m not affected at all. It’s show business. Show business is about art, entertainment and that’s part of entertainment. So, it doesn’t bother me,” pahayag ni Albert sa virtual mediacon ng Las Hermanas last Friday.
Okay lang daw sa kanya kung natsitsismis man sila ni Faith dahil ibig sabihin lang daw ay nagwo-work ang kanilang chemistry.
“It worked for both of us, the chemistry was there, and siguro, I will feel bad if hindi nag-work ‘yung chemistry because that’s my intention – to make sure na maging believable siya sa eyes ng public, maging believable siya du’n sa narrative and it worked.
“And ‘yung sideline na pinag-uusapan nila, it’s just part of the whole thing. But it’s okay. It helped the project and I believe, it’s not that bad at all,” paliwanag ng magaling na aktor.
When asked kung open pa ba siya na magmahal ulit lalo pa nga ngayong may kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, ayon kay Albert ay masaya naman siya sa kanyang mga apo.
“I’m happy with my grandchildren. Kumbaga, every morning, ‘yan na lang ang kaligayahan ko. That’s why, hindi ako masyadong nahirapan sa locked-in (taping) kasi every morning, ka-chat ko sila.
“But if you’re asking me right now, at my age, I’m still going to the process of losing a loved one, but if for example, in the very near future, I meet someone na kumbaga, will make my heart beat again, why not?” sey ni Albert.
Samantala, balik-Kapuso si Albert sa Las Hermanas at masayang-masaya ang aktor sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga bosses and production staff.
Playing titular roles in Las Hermanas are Faith, Thea Tolentino and Yasmien Kurdi. Magsisimula na ang serye ngayong October 25 sa GMA Afternoon Prime.





Comments