Alapag asst. coach ng Kings sa NBA Summer League
ni MC - @Sports | August 09, 2021

Magiging bahagi si Jimmy Alapag ng coaching staff ng Sacramento Kings para sa Las Vegas Summer League sa ikalawang pagkakataon. Unang nakasama bilang coaching staff ng team noong 2019, muling nakasama ang Pinoy sa roster na inilabas ng Kings. Hahawakan ng Fil-Am hoop star na naging tactician ang players kagaya ng kapatid ni Giannis Antetokounmpo na si brother Alex at NBA G League Ignite's Princepal Singh sa Summer League roster.
Si G League's Stockton Kings coach Bobby Jackson ang siyang mamamahala sa team para sa pocket tournament habang ang fellow assistant ni Alapag ay sina Will Scott, Lindsey Harding, Jonah Herscu, Akachi Okugo, at Isaac Yacob.
Sisimulan ng King ang kanilang kampanya sa 2021 MGM Resorts NBA Summer League sa sa Martes, August 10 kontra sa Charlotte Hornets.
Samantala, nagkasundo ang Charlotte Hornets at free agent small forward na si Kelly Oubre Jr. sa two-year, $26 million contract, ayon sa insider. Naging six-year NBA veteran, naglaro na si Oubre sa Washington, Toronto at Phoenix. Naglaro si Oubre ng 252 games sa kanyang unang apat na seasons sa Wizards bago mai-trade noong 2018 sa Phoenix kung saan nagsimula siyang makilala.
May average itong 18.7 points at 6.4 rebounds kada-game sa kanyang unang season sa Suns habang kumana ng career-best na 35.2% mula sa arc. Nai-trade ito sa Warriors noong Nobyembre para punan ang spot ni Klay Thompson na nagkaroon ng punit na Achilles.





Comments