top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Alamin: Panuntunan sa pagnonotaryo ng dokumento

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 18, 2021



Dear Chief Acosta,

Maaari bang tumanggi ang notaryo-publiko na notaryuhan ang dokumento? Iyong nanay kasi ng kaibigan ko sinamahan niya magpanotaryo ng dokumento kaugnay sa donasyon ng lupa, ngunit ang totoo diumano ay labag sa kalooban ng nanay niya na gawin iyon. Nang lumabas ang nanay niya sa opisina ng notaryo ay sinabi diumano nitong hindi nonotaryuhan ang dokumento at bumalik na lamang kung buo na ang loob niya sa donasyon. – Cess


Dear Cess,

Ang pagpapanotaryo ng dokumento ay hindi simpleng pagpirma lamang ng commissioned na notary-publiko sa dokumento na pinanonotaryuhan. Mayroong mga panuntunang sinusunod ang mga notary-publiko. Nakasaad sa Rule IV ng 2004 Rules on Notarial Practice ang mga maaaring gawing notarial acts ng mga commissioned na notaryo publiko. Narito ang partikular na probisyon hinggil dito:


“SECTION 1. Powers. - (a) A notary public is empowered to perform the following notarial acts:


(1) acknowledgments;


(2) oaths and affirmations;


(3) jurats;


(4) signature witnessings;


(5) copy certifications; and


(6) any other act authorized by these Rules.


x x x”


Gayunman, hindi maaaring ipilit sa notary-publiko na notaryuhan ang dokumento kung sa palagay nito ay wala sa tamang pag-iisip o hindi ito malayang ginagawa ng nagpapanotaryo. Kaugnay nito, nakasaad sa Section 4, Rule IV ng 2004 Rules on Notarial Practice ang sumusunod:


“SEC. 4. Refusal to Notarize. - A notary public shall not perform any notarial act described in these Rules for any person requesting such an act even if he tenders the appropriate fee specified by these Rules if:

(a) the notary knows or has good reason to believe that the notarial act or transaction is unlawful or immoral;


(b) the signatory shows a demeanor which engenders in the mind of the notary public reasonable doubt as to the former’s knowledge of the consequences of the transaction requiring a notarial act; and


(c) in the notary’s judgment, the signatory is not acting of his or her own free will.” (Binigyang-diin)


Kung kaya’t angkop na tanggihan ng notaryo publiko na notaryuhan ang dokumento ng nanay ng iyong kaibigan kung sa kanyang assessment o pagsusuri ay hindi ito malayang ginagawa ng nanay ng iyong kaibigan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page