Alamin: Kailan dapat i-renew ang lisensiya ng fishing vessel?
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 08, 2021
Dear Chief Acosta,
Nais naming magsimula ng negosyo at pinagpaplanuhan naming bumili ng fishing vessel. Nalaman naming kailangan pala naming kumuha ng lisensiya nito. Tuwing kailan ba dapat i-renew ang lisensiya ng fishing vessel? – Xenia
Dear Xenia,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 10654, o mas kilala sa tawag na An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing, Amending Republic Act 8550, Otherwise Known As “The Philippine Fisheries Code of 1998,” and For Other Purposes. Nakasaad sa Section 8 ng nasabing batas na:
“Section 8. Section 30 of the same Act is hereby amended, as follows:
“SEC. 30. Renewal of Commercial Fishing Vessel License. - The commercial fishing vessel license shall be renewed every three (3) years.
The owner/operator of a fishing vessel has a period of sixty (60) days prior to the expiration of the license within which to renew the same.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, ang lisensiya ng commercial fishing vessel ay dapat mai-renew tuwing ika-tatlong taon. Ang may-ari o operator ng nasabing fishing vessel ay binibigyan ng 60-days bago ma-expire ang lisensiya para ito ay i-renew.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments