top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alam na this, Yassi!... COCO AT JULIA, NAKA-COUPLE JOGGING SUIT AT CAP HABANG NAGLALAKAD SA VILLAGE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | February 21, 2021




Nakunan ng video sina Coco Martin at Julia Montes na magkasamang nagbi-brisk walking sa parang subdivision. Twinning ang dalawa sa suot nilang jogging suit at pareho ring nakasuot ng cap, pero nakilala pa rin sila ng mga nakakita sa kanila.


Nagdya-jogging daw ang dalawa at sa lugar na may mga bahay at nakaparadang kotse, nag-brisk walking na muna sila. Tuwang-tuwa ang mga nakakita sa litrato nina Coco at Julia pati ‘yung video na sabay silang nagbi-brisk walking. Patunay daw ito na totoo ang relasyon nila kesa sa iginigiit daw ng mga shippers nina Coco at Yassi Pressman na sila ang may tunay na relasyon.


Kahit wala na si Yassi sa Ang Probinsyano, marami pa rin ang naniniwalang they are in a relationship ni Coco na ayaw tanggapin ng mga fans nina Coco at Julia dahil sila raw ang tunay na couple at may mga ebidensiya sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page