Alam na this! ROBIN, PANG-NO. 10 SENADOR KAHIT 'DI PA NANGANGAMPANYA
- BULGAR
- Nov 16, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 16, 2021

In fairness kay Robin Padilla, kahit hindi pa masyadong nagpaparamdam na tumatakbo siyang senador, maganda ang ranking niya sa survey.
Sa latest survey na lumabas, nasa number 10 siya na ikinagulat ng mga tutok sa pulitika.
Lalo na siguro ‘pag nangampanya na si Robin, lalong tataas ang standing niya sa survey.
Kaya namin nabanggit si Robin dahil may pelikula pala ito at naka-post sa Instagram ang teaser ng Mistah 2. Solid ang action scenes na napanood namin, mga pinasabog na sasakyan at kung anu-ano pa.
Nanghinayang ang mga followers ni Robin kung bakit hindi nila isinali sa MMFF 2021 ang movie dahil chance na raw sana na makabalik ang action movies.
Sa teaser, naka-uniform ng security guard si Robin nang barilin ang isang tumatakbong sasakyan. Kapag nakapanood ka ng ganu’ng teaser, mami-miss mong manood ng action movies.
Sana, sa sinehan na ito ipalabas at hindi streaming.





Comments