Alam na this!... LUIS, IPINAGSIGAWANG KAHIT PAMBAHAY LANG ANG SUOT NI JESSY, LOVE NA LOVE NIYA
- BULGAR

- Dec 5, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 5, 2020

Mabuti at hindi napikon si Luis Manzano sa netizen na hinanapan siya ng mas sweet na birthday greetings sa GF niyang si Jessy Mendiola dahil kulang daw ng sweetness ang mensahe niyang… “Love you birthday girl.”
Kung kay Jessy nga, okay na ‘yun at sinagot nga niya ng “@luckymanzano love you,” ang fans pa talaga ang nakulangan.
Inulit din naman ni Luis ang birthday greetings kay Jessy sa kanyang IG at ang sabi, “Happy birthday to the howhow with me whether it be a suit, dive gear or pambahay. I howhow you, may you have the best year ever:).”
Sa Amanpulo nag-celebrate ng kanyang 28th birthday si Jessy last December 3. Natupad ang matagal na nitong pinangarap na makapag-beach uli, kaya nang magkaroon ng pagkakataon, kanyang ginawa.





Comments