Alam na this! HERBERT, PAMILYA NI RUFFA ANG KASAMANG NAG-PASKO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 27, 2021

Nag-spend ng Christmas si Gerald Anderson sa piling ng girlfriend na si Julia Barretto with her family.
Sa Instagram account ni Marjorie Barretto na ina ni Julia, ibinahagi ng dating aktres ang mga kuhang larawan ng kanilang pamilya kasama si Gerald.
Una nang nabanggit ni Julia bago pa mag-Pasko na sa kanila magse-celebrate ng Christmas si Gerald.
“We are all going to be together,” sambit ni Julia.
Dagdag pa niya, “Of course, si Ge [Gerald Anderson] will be with us.”
Samantala, maging ang love birds na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay magkasama rin nu’ng Pasko.
Sa Beati Farm na pag-aari ni Bea nagselebreyt ang magdyowa kasama ang pamilya ng Kapuso actress.
Aba, hindi rin nagpatalbog ang new lovey dovey, ang aspiring senator and formerly Quezon City Mayor Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez, magkasama ring nag-celebrate ng Pasko ang dalawa.
Sa Tiktok video na in-upload ng aktres, makikitang nagpapalitan ng gifts ang Gutierrez family.
Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga Marites ang presensiya ni Herbert sa video kung saan kausap nito si Monching Gutierrez.
Sa huli ay kinalabit din siya ni Ruffa para tumingin at mag-hi sa camera.
Walang direktang pag-amin mula kina Bistek at Ruffa. Pero, sabi nga, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Eh, hindi nga ba't action speaks louder than words?





Comments