Alam mo na, Julia? JANICE, UMAMING NILAYUAN SI GERALD DAHIL SA INIS
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 29, 2021

According to Janice de Belen, hindi naman daw siya napikon noong time na nali-link siya kay Gerald Anderson who’s younger than him by several years.
“It’s not nainis du’n sa tsismis,” aniya sa kanyang latest interview sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, “kasi habang nag-aartista tayo, laging may posibilidad na matsitsismis ka, whether you like it or not. Ke maliit na bagay, malaking bagay, hindi mawawala ‘yun.”
Pero ang nainis daw siya ay ‘yung pinipilit ng mga tao na totoo ang tsismis. Kaya naman dumistansiya na lang siya kay Gerald, thus, losing a friend.
“Parang it’s a natural thing na, siguro kasi hindi rin naman kami nagkikita, parang automatic na gigilid ka muna kasi masyadong mainit. I mean, for sure, 'pag nagkita ulit, we’ll always be the same people,” she said.
Matatandaang may limang taon na rin ang nakakaraan nang bigla na lang ma-link si Janice kay Gerald at napagbintangang third party sa breakup ng aktor at ni Maja Salvador.
Kinlaro naman agad noon nina Maja at Gerald ang pangalan ni Janice at nilinaw na walang katotohanan na ang aktres ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Inamin din ni Janice na ang mas ikinao-offend pa nga niya ay ‘yung 'pag sinasabi ng tao kung bakit siya nagtitinda gayung artista siya.
“Kasi, nagba-bazaar ako, 'di ba? Nagbebenta-benta ako, even now, nagbebenta-benta ako. Nasa bazaar ka, sasabihan ka ng mga tao, ‘Uy, ikaw talaga ‘yung tumatao dito. Eh, 'di ba, ang yaman-yaman mo na?’
“To me, it’s offensive. To me, I get offended. Because you have to understand na hindi ako teen-ager. Hindi naman ako parang si Kathryn (Bernardo) na sunud-sunod ang projects. I have moved on to a different level in life. So, siyempre, pang-supporting na ako.
“So, nao-offend ako kasi hindi ba dapat, natutuwa ka 'pag nakikita mo ‘yung tao, masipag na nagtatrabaho? Sabi ko, ‘Kung mayaman na mayaman po ako, ni hindi rin po ako mag-aartista.’ ‘Yun ang lagi kong sinasabi, ‘Hindi po ako mayaman,’” sey ni Janice.





Comments