Ala-Annabelle rin sa pagiging giyerera… RUFFA, NAGBANTA SA MGA LALAKING MANLOLOKO SA 2 ANAK
- BULGAR

- Oct 26, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 26, 2020

Kung mahigpit noon si Annabelle Rama kay Ruffa Gutierrez, mukhang mas terror at istrikto ang dating beauty queen-actress sa mga anak na sina Lorin at Venice.
Lumalaking maganda ang mga bagets kaya may mga umaaligid at nagpaparamdam na. Pero, nag-warning na agad si Ruffa. Huwag na huwag daw sasaktan ang kanyang mga anak or else, lalabas ang kanyang pagiging giyererang mom. Hindi siya papayag na masaktan-madehado sina Lorin at Venice!
Well, ngayon, alam na ni Ruffa ang feeling noon ng kanyang Mommy Annabelle kung bakit todo-bantay sa kanya noong may mga manliligaw na siya. "Mother knows best” at ang tanging hangad lang ng mga nanay ay maging maayos at maligaya ang buhay ng mga anak.
And for sure, hindi naman mga pasaway sina Lorin at Venice. Tulad ni Ruffa, smart naman ang dalawang bagets at mukhang hindi sila ang tipo na madaling bolahin ng mga guys.





Comments