Aktres, umamin na… KRIS, TODO-DENY NA NAGKABALIKAN SILA NI KATRINA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 27, 2026

Photo: IG fasttalkgma
“Yes, Tito Boy, kami na. Charot!” ang pabirong pahayag ng aktres na si Katrina Halili nang tanungin siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung nagkabalikan sila ng singer na si Kris Lawrence nang mag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan.
Sa panayam, napag-usapan ang tungkol sa kanilang anak na si Katie.
Tanong ni Boy, “Paano binago sina Katrina Halili at Kris Lawrence ng anak nilang si Katie? What have you become because of your daughter?”
Sey ni Kris, “Siguro, before, we were chasing dreams. And when Katie came, we realized why we were chasing our dreams. One thing I realized about myself is that I became softer, I became more patient. Not only that, when I became a dad, I became a better human being.”
Saad naman ni Katrina, “Humaba ang pasensiya ko siguro. Tapos, mas grateful sa small things, mas naa-appreciate mo ‘yung small things. Mas naging matibay para sa anak ko. Saka, mas nagkaroon ng purpose sa buhay ko.”
Napag-usapan din sa panayam ang relationship status ni Kris sa kanyang ex-partner na si Katrina Halili.
Tanong ni Boy, “Nu’ng kayo ay nagdesisyon na magkahiwalay, natapos din ba ang inyong pagiging magkaibigan?”
Saad ni Katrina, “‘Di naman po talaga totally natapos. Pero dumating sa time na tahimik. Tahimik lang.”
Sey ni Kris, “Yeah, it was on and off sometimes. I was always here, pero s’ya ‘yung may hawak ng beat.”
Dagdag na tanong ni Boy, “Tahimik dahil nagpapakiramdaman? Tahimik dahil it was the best choice while moving forward? Kasi ‘di ba, kesa naman magbangayan tayo, bigyan natin ang isa’t isa ng space—parang ganu’n? Pero nagalit kayo sa isa’t isa?”
Sey ni Kris, “No. For me, no.”
Saad naman ni Katrina, “‘Di naman po, Tito Boy. Parang nag-move on lang talaga.”
Dagdag pa ni Kris, “Like we just had to grow as individuals. Parang ganu’n.”
Hirit na tanong ni Boy, “Ang tanong, nagkabalikan na ba sila? I have heard a lot of comments. What is the answer to that?”
Bago nila sinagot ang tanong ni Boy, nagkatinginan muna sina Katrina at Kris na tila nag-uusap ang kanilang mga mata.
Saad ni Katrina, “Yes, Tito Boy, kami na. Charooot! (Joke!)”
Sey naman ni Kris, “Ah, siguro — no, we have not. ‘Di kami nagkabalikan, Tito Boy. But like I said, I’m really, really grateful for this time that we had together because honestly, when we became okay this year, 2026, Katie has been probably the best that I’ve ever seen her. Her smile has been more genuine. Mas gumanda ‘yung kilos n’ya.
“You could just tell that she’s so much happier. And we’re doing this all for Katie. Where the road leads, we don’t know. But at least, it’s fun.”
Sa panayam, sinabi nina Katrina at Kris na pareho silang single.
In fairness, may kilig factor pa rin sina Katrina Halili at Kris Lawrence. ‘Di ba naman, Katie?
ANG aktres at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee (MMD) ay nag-upload sa Instagram (IG) ng birthday photos mula sa isang photoshoot.
Saad ni Michelle sa kanyang post, “Thirty-one? Who would have thought there would still be room for ‘firsts’? Blessed, grateful, and still dreaming of everything we’re about to achieve.”
Samantala, sa social media post ng aktor at ama ng beauty queen na si Derek Dee, nagpahayag ito ng mensahe para sa kaarawan ng anak.
Saad ni Derek, “Happy Birthday, Michelle. From New York memories to today—you’ve only grown stronger and more amazing - Dad.”
Anyway, happy birthday, Queen Michelle!
Samantala, matapang ang pagbabalik-musika ng Miss Universe Philippines 2023 sa kanyang bagong single na Makatanong, isang R&B-pop track tungkol sa pagsasawalang-bahala sa panghuhusga ng iba.
Isinulat mismo ni MMD ang kanta na sumasalamin sa pagiging empowered bilang babae at pagiging in control sa sariling kuwento.
Pinasok ng Sparkle artist ang pagiging recording artist noong nakaraang taon at inilunsad ang debut single na Reyna sa ilalim ng partnership ng ABS-CBN Music at GMA.
Umarangkada ito sa Top 5 ng Spotify Philippines Viral Songs Chart at umani ng mahigit dalawang milyong streams. Naging tampok din ito sa iba’t ibang Spotify editorial playlist tulad ng OPM Rising at Viral Hits Philippines. Na-feature rin ang Reyna sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) nang pumasok si MMD bilang house guest.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments