top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Aktres, todo-hugot sa socmed… HEART AT CHIZ, ‘DI PA HIWALAY, HAPPY TOGETHER SA B-DAY NG SENADOR

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 14, 2026



BULGARY - HEART AT CHIZ, ‘DI PA HIWALAY, HAPPY TOGETHER SA B-DAY NG SENADOR _ IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Sa kabila ng mga usap-usapang hiwalay na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, may lumabas na larawan na kuha sa pagdiriwang ng kaarawan ng senador.


Ayon sa isang netizen, ang na-screenshot na photo ay mula sa post na ibinahagi ni Cavite Representative Aniela Tolentino, na nagpapakitang ipinagdiwang nina Heart at Chiz ang kaarawan ng senador.


Ilang ulit nang nababalitang hiwalay na sina Heart at Chiz, lalo’t nananatiling tahimik ang aktres tungkol sa mga kumakalat na haka-haka.


Lalong umingay ang usapan matapos ibahagi ni Heart sa kanyang Instagram (IG) Story ang ilang reels na may mensahe tungkol sa pagbabago, pagbitaw, pagpili sa sarili at paghahanap ng kapayapaan.


Narito ang mensaheng ibinahagi ng actress-host, “Why is she different? She healed. What happened? She grew. What did she learn? To let go. Why did she leave? For peace. Why stop chasing? She was tired. What did she choose? Herself. 


“Does she still care? Sometimes. Does she regret it? Never. Is she happy now? Finally. What changed? Everything. Does she trust again? Slowly. What makes her smile now? Small things. What is she afraid of? Nothing much. What does she protect now? Her energy. Who is she becoming? Her best self.”


Dahil sa mensaheng ito, may mga netizens na nag-isip na maaaring may pinagdaraanan ang aktres. 


Nadagdagan pa ang espekulasyon dahil hindi na gaanong nakikita si Chiz sa mga social media posts ni Heart.


Naging kapansin-pansin din ang pagiging aktibo ni Heart sa showbiz, lalo na sa nakatakda nilang muling pagsasama ng dati niyang ka-love team na si John Prats sa isang pelikula. 


Matatandaang una silang muling napanood sa music video ng kantang Teka Lang ni TJ Monterde.

Sa social media, may mga netizens na naniniwalang mananatiling haka-haka ang mga usap-usapan hangga’t walang direktang pahayag mula sa mag-asawa. Mayroon ding nagpalagay na maaaring maingat lamang si Heart sa pagharap sa publiko dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mister sa pulitika.


Sa ngayon, wala pa ring direktang kumpirmasyon mula kina Heart at Chiz tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.





Recycled ang istorya…

MOVIE NINA JOSHUA AT JULIA, SAYANG LANG DAW ANG BAYAD



MAGKAKAIBA ang naging reaksiyon ng mga netizens sa ulat na umabot na sa mahigit P100 milyon ang kinita ng Always Yours, Never Mine (AYNM) nina Joshua Garcia at Julia Barretto (JoshLia).


May mga bumati at nagsabing karapat-dapat ang dalawa sa tinatamasang tagumpay. Pinuri rin ng ilang netizens ang kanilang pag-arte, chemistry at kuwentong hindi raw tipikal na pelikulang romance ng mga Pinoy.


Gayunman, kinuwestiyon ng ilan kung maituturing bang tagumpay ang naturang halaga sa takilya. Para sa kanila, hindi sapat ang mahigit P100M upang masabing hindi flop ang pelikula, lalo na kung ikukumpara sa mga naunang Star Cinema movies.


May mga nagsabi ring mas malakas ang kita ng mga pelikula noon, samantalang mas mahirap nang kumbinsihin ang mga manonood na gumastos para sa sinehan ngayong may streaming platforms na. 


May ilan ding nagpahayag ng pagdududa sa kalidad ng kuwento at nagsabing mas gugustuhin na lamang nilang hintayin itong mapanood sa streaming platforms.


Sa kabila ng mga batikos, nanindigan ang mga fans na malakas pa rin ang tambalang JoshLia at may kakayahan silang makaakit ng manonood. Para sa ilan, hindi dapat puro kita sa takilya ang gawing batayan sa paghusga sa isang pelikula.

Heto ang ilan sa mga komento:


“Todo-promo, touchy-touchy kaya dapat kumita. Kawawa naman dahil nag-effort if flop.”

“Flop pa rin sa standard ng SC (Star Cinema). Three days lang ‘yan na kita dati for their movie.”

“This is considered a flop ‘pag SC movie. ‘Yung kina Anne Curtis at Jericho Rosales lang talaga ‘yung movie (The Loved One) this year na kumita.”

“Ikinukumpara n’yo talaga, eh, iba na ang panahon ngayon. Halos wala nang interes ang mga tao sa panonood ng sine.”

“Congratulations to the one and only super-galing and super-guwapo na si Joshua. Congrats din kay Julia!”


Kumontra naman ang isang commenter, “Super-guwapo??? May hitsura. Super-galing? Iisa lang acting n’ya, ‘teh.”


Sey naman ng isa, “Isang magandang pelikula at magagaling na aktor. ‘Di tipikal na kuwentong pag-ibig ng mga Pilipino. Kudos sa kanila!”


“Ang pelikulang ‘to ay parang isang klasikong pelikula ng Star Cinema. Walang katapusang koleksiyon ng mga recycled na trope (concept) mula kay Direk Cathy (Garcia-Sampana). 


“Sus! Laging ganyan pero ‘pag pinanood namin, very typical at recycled story lang. Sa Netflix na lang namin ‘to papanoorin. Why go and pay sa sinehan, same-same lang naman ‘to for sure. Pag-aaksaya ng pera at oras.”

Ganern?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page