top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aktres, todo-hawak sa braso ng aktor habang nasa mall… ANDREA AT KYLE, OBYUS NA MAGDYOWA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2024
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 9, 2024



Spotted sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri na magkasama sa BGC, Taguig City. Kalat na sa X o dating Twitter ang larawan ng dalawa.


Napiktyuran sina Andrea at Kyle, na tinawag ng mga netizens as KyleDrea, na magkasama habang nasa escalator.


Bukod doon, may isa pang piktyur ang dalawa na nakatalikod at naglalakad habang nakaangkla ang isang kamay ni Andrea sa braso ni Kyle.


At para sa mas malinaw na kuha, isang video pa ng dalawa ang nakakalat sa X at pinagkakaguluhan ng mga netizens kahapon.


Ayon naman sa aming source, palagi raw talagang nakikitang magkasama sina Andrea at Kyle sa BGC.


May drama pa raw ang dalawa na kapag kasama ang kanilang mga kaibigan ay “behave” lang sila at palalabasin na magkaibigan lang. 


Umaarte lang na magdyowa ang dalawa kapag sila na lang ang magkasama sa mga lakad.


Katunayan, may nakakita rin daw sa dalawa na bitbit pa ni Kyle ang handbag ni Andrea.


How sweet, 'di ba?


Siguro naman, titigilan na ang pamba-bash kay Andrea ng KathNiel fans dahil mukhang si Kyle na ang bagong karelasyon ng aktres at hindi naman si Daniel Padilla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page