top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aktres, todo-enjoy sa pag-aalaga sa bagong anak… SERYE NI DENNIS, TIGIL-TAPING DAHIL KAY ALICE

BULGAR
Apr 19, 2021
1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 19, 2021




Nasa bakasyon pa ngayon sa USA si Alice Dixson kaya hindi pa maisalang at maiere ang seryeng Legal Wives na pinagbibidahan nila ni Dennis Trillo kasama sina Andrea Torres at Bianca Umali.


Ang alam ng lahat ay bumiyahe pa-USA si Alice dahil nanganak na ang surrogate mother ng kanyang anak.


Gusto nang makita/mahawakan ni Alice ang kanyang baby girl na sampung taon niyang hiniling at ipinagdasal.


Sa tulong ng siyensiya, nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Alice na magkaanak at her age of 51.


Dahil nasa USA pa, hindi pa makakapagteyping si Alice sa Legal Wives. Major role ang kanyang character sa serye bilang unang asawa ni Dennis kaya hindi puwedeng basta mawala ang kanyang role.


Hindi rin puwedeng sina Dennis at Bianca lamang ang magteteyping.


Ini-enjoy muna ni Alice ang feeling ng pagiging ganap na ina kaya hindi siya maapura na bumalik na ng ‘Pinas.


Recently, may post si Alice sa kanyang Instagram account na larawang kuha sa Niagara Falls na pinasyalan niya. Marami raw masasayang childhood memories si Alice sa Niagara Falls kaya binalikan niya ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page