Aktres, todo-asa na last na talaga!... ARA, IPINAKILALA NA NG RICH BF SA PAMILYA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 9, 2021

Hindi naging malamig ang Pasko ng dating sexy actress na si Ara Mina.
Bago nagtapos ang 2020 ay nagkaroon siya ng jowa. Taon din ang binilang bago muling nagkaroon ng boyfriend si Ara.
Sa aming pagkakaalam, ang huli niyang nakarelasyon ay isang pulitiko from the North, si Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan.
Sa ngayon, isang non-showbiz rich guy ang boyfriend ng Kapamilya actress na ayaw niya pang pangalanan, pero dati nang lumabas sa social media ang name nito na Dave Almarinez.
Masayang-masaya si Ara dahil napakabait daw ng guy. Wish niya ay forever na sila nito.
Kung noon ay taga-North ang ex ni Ara, ngayon ay parteng South naman. Ipinakilala na rin ng guy ang aktres sa sister nitong doktor at maging sa mga kamag-anakan sa Laguna.
And take note, dalawang taon palang nanligaw ang non-showbiz boyfriend ni Ara.
Sey ng sexy actress, sana nga ay panghabambuhay na ang pagsasama nila, "'Coz I am not young anymore."
Anyway, ang daming humanga sa role ni Ara bilang si Ellen sa Ang Probinsiyano. May pagka-kontrabida ang role niya pero hindi siya nagpakabog sa mahusay ding aktres na si Lorna Tolentino.
'Yun na!!!





Comments