Aktres, tinawag nang wifey ng TV host… LUIS AT JESSY, IBINUKING NG MISIS NI GARY V. NA KASAL NA
- BULGAR
- Mar 23, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 23, 2021

Isa sa mga nag-wish kay Angeli P. Valenciano na gumaling sa COVID ay si Luis Manzano, pero naging controversial ang sagot ng misis ni Gary Valenciano kay Luis na, “Love you Luis and TFTI (thanks for the invite) for your wedding, hahaha! Congrats son! Can’t forget when you visited us. Love to the wifey.”
Para sa mga nakabasa sa sagot ni Angeli kay Luis, confirmation daw ‘yun na ikinasal na sina Luis at Jessy Mendiola at kung inyong maaalala, napabalitang ikinasal nu'ng February 21 ang dalawa sa The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas. Wala nga lang nagkumpirma sa balitang ‘yun at hindi nag-react sina Luis at Jessy.
Hanggang sa mabasa nga nila ang sagot ni Angeli sa “Recover well tita!!” comment ni Luis.
Kaya lang, nang muli naming i-check ang Instagram account ni Angeli, deleted na ang controversial reply niya kay Luis at ang mababasa na ay “@luckymanzano looking forward to being ninang to your coming wedding, haha.”
Nalito tuloy ang mga netizens sa biglang pagkambiyo ni Angeli, pero puwede ring ikinasal nga sa The Farm sina Luis at Jessy at muling ikakasal sa nabanngit ni Angeli na “coming wedding.”
Speaking of Angeli, may update ito sa health status niya, “I had very minor symptoms but needed to quarantine nonetheless, so here I am in isolation.”





Comments