top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aktres, sa bahay na raw ni Derek nakatira… PARENTS NI ANDREA, 'DI PABOR SA LIVE-IN MUNA BAGO KASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 22, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 22, 2020




Gustong linawin ng Kapuso actress na si Andrea Torres ang bali-balitang nagli-live-in na sila ng BF niyang si Derek Ramsay. Ito kasi ang naging impresyon ng mga nakasilip sa house tour ni Derek na bahagi ng kanilang vlog.


Para raw kasing naka-pambahay lang lagi si Andrea kapag nasa house ng nobyo. Ilang beses na nilang napapanood na sobrang at home na at home si Andrea 'pag nasa bahay ni Derek.


Paliwanag ni Andrea, madalas siyang dumadalaw sa nobyo at hindi naman kailangan na magtodo-bihis pa siya. Mas komportable siya sa mga simpleng damit lamang.


Hindi against si Andrea sa couple na nagli-live-in muna bago magpakasal. Pero para sa kanya, dapat ay may basbas muna ng matrimonya bago magsama sa iisang bubong ang magkarelasyon.


At hindi rin pabor ang kanyang partidos sa live-in setup. Gustong makita ng kanyang parents na siya ay ihahatid sa altar ng lalaking magiging life partner niya.


At si Derek Ramsay, bilang respeto sa mga magulang ni Andrea, ay dapat lang handugan ng kasal ang nobya kapag maayos na ang lahat. One thing is sure, para kay Derek, si Andrea na ang babaeng kanyang pakakasalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page