top of page

Aktres, one of the boys daw… CHITO, IBINULGAR NA INUUMAGA SILA NI ANNE SA GIMIKAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 58 minutes ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 2, 2026



Chito Miranda at Anne Curtis - Instagram

Photo: Chito Miranda at Anne Curtis - Instagram



Todo-puri ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa aktres na si Anne Curtis.


Wika ni Chito, “Matagal ko nang kilala si Anne, siguro ay mga almost 20 years na rin.

“Ever since, ‘Pare’ ‘yung tawag ko sa kanya kasi para s’yang one of the boys at ang gaan-gaan n’ya lang kasama.


“Dati, madalas kami tumambay. May parang group kasi kami, ‘yung Tuesday Group. Wala lang, magkikita-kita lang tapos tatambay sa bar o sa bahay ng friends namin hanggang madaling-araw.


“Nu’ng tumanda na kami, s’yempre, ‘di na masyado. Once every few years na lang siguro kami magkita, ‘pag may mga special occasion tulad ng recent birthday ni Angel Locsin, at ‘yung mga usapan namin, tungkol na sa buhay-may-asawa at pamilya.

“Pero ang ‘di nagbago ay kung gaano s’ya kabait at kung gaano s’ya kasimple at down-to-earth.


“First time makatambay ni Neri si Anne last Sunday nu’ng birthday ni Gel. Matagal ko nang naikukuwento kay Neri kung gaano s’ya kabait kasi super-fan siya ni Anne, pero na-amaze pa rin s’ya kung gaano ka-warm at ka-accommodating si Anne. Perfect nga raw si Anne, sabi ng asawa ko.


“Sabi ng iba, never meet your heroes, but I’m glad Neri met one of hers. Sobrang tuwang-tuwa talaga s’ya.”


Samantala, sa social media post naman ng aktres na si Anne Curtis ay nagpahayag siya ng kaligayahan dahil nakasama niya uli ang kanyang dabarkads na sina Chito Miranda at Angel Locsin.


Say ni Anne, “Paaaaareeeeee! Awwww Tuesday Group!


“Kaka-miss. Sobrang saya. Na-miss kita at I’m happy I got to meet your wais na misis. Let’s not wait too long till we get together again, ‘di ba, mars? Ulitin natin ‘to!”


In fairness sa friendship nina Angel, Anne at Chito, talagang solid ang kanilang samahan, parang kami lang ng mother dearest ni Chito na si Nora Yanga Miranda.





“YOU bring so much joy and light into our lives. We love you,” pahayag ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang Facebook (FB) page post para sa bunsong anak na si Raya Layla na nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang.


Ani Yasmien, “Late post. Gusto ko lang ito i-post para someday makita ni baby Raya Layla kung gaano namin s’ya kamahal at kung paano namin isinelebrate ang 2nd birthday n’ya.

“Two nights ago (April 28), we celebrated Baby Raya Layla’s 2nd birthday dahil ‘yun ang araw na ‘yun talaga ang birthday n’ya. Simple lang, dinner, kami-kami lang.


“Humabol lang din ako galing exam. Thank you sa pagtulong sa paghahanda para sa birthday kasi wala akong time magluto.


“Buong linggo akong nahihilo dahil sa vertigo na first time kong naranasan, pero ‘di naman namin puwedeng palagpasin na ‘di i-celebrate ang birthday ni Raya Layla.


“Happy 2nd birthday, baby Raya Layla. ‘Di kami makapaniwala na 2 years old ka na. Ang bilis mo lumaki. You bring so much joy and light into our lives. We love you more than words can explain.


“Thank you for making everything worth it. Love na love ka ni Mama, Papa at Ate Ayesha.”

Makiki-happy birthday, Raya Layla na rin kami!

‘Yun lang, and I thank you.





Charges ng Meralco, kinuwestiyon… SUSAN, P31K ANG BILL SA KURYENTE, LOKANG-LOKA



Hindi raw maintindihan ng broadcast journalist na si Susan Enriquez ang biglaang pagtaas ng singil sa kanyang electric bill na umabot sa mahigit P31,000.


Saad ni Susan sa post niya, “‘Di ko rin maintindihan ‘tong mga charges na ‘to. System loss. Bakit ‘di naman ako nag-o-operate ng Meralco? Government taxes, nagbabayad naman ako, pero hinihingi ko ba sa Meralco? Etong universal, FIT-All, GEA All at lifeline—ano ba ‘to?”


Tanong pa ni Susan, “‘Pag lifeline, ano ba ‘yun? Saan gagamitin, sa game show ba na merong lifeline? Other charges, ano pa ‘yung mga charges na ‘yun, please?”


Well, pakisagot na nga lang, madlang people, ang katanungan ni Susan. 

Basta si yours truly, ang masasabi ko lang ay “Kay Susan tayo!”

‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page