Aktres, napaiyak na lang… JASMINE, NAPAGKAMALANG NANAY NI ANNE
ni Nitz Miralles - @Bida | May 18, 2021

Nakakatuwa ang reaction ni Jasmine Curtis-Smith sa tanong ng isang netizen na
“'Di ba po, anak mo po si Ms. Anne Curtis?”
Sinagot ni Jasmine ang tanong na kunwari, umiiyak siya at ang sabi, “Kailan at bakit? Ten years akong mas bata sa kanya.”
Naaliw ang nakapanood ng TikTok ni Jasmine kung saan niya sinagot ang tanong ng netizen dahil may 1.5 M views na at nadaragdagan pa ang views ng mga natuwang viewers.
Kasi naman, taga-saan ba si ate na nagtanong at hindi alam na magkapatid sina Anne at Jasmine at mas matanda si Anne?
Hintayin nga natin ang reaction ni Anne sa isyung ito.
Speaking of Jasmine, kung nasunod ang schedule, kahapon (May 18) ang first day ng locked-in taping nila nina Tom Rodriguez at Alden Richards ng isa sa mga bagong serye ng GMA-7 na The World Between Us, sa direction ni Dominic Zapata. Kasama rin sa cast sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose at guest si Glydel Mercado.





Comments